^

PSN Palaro

2-dikit sa Mixers Yap nagbida sa panalo VS Batang Pier

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi hihirangin si Ja­mes Yap bilang isang two-time PBA Most Valua­ble Player kung walang dahilan.

Humugot si Yap ng 11 sa kanyang 16 points sa fourth quarter para muling igiya ang San Mig Coffee sa panalo matapos talu­nin ang Globalport, 82-78, kagabi sa elimination round ng 2012-2013 PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Ito ang ikalawang sunod na panalo ng Mi­xers matapos talunin ang Barako Bull Energy Cola, 92-91, noong Linggo.

Itinaas ng San Mig Coffee ang kanilang baraha sa 4-2 katabla ang Alaska at Rain or Shine sa ilalim ng nagdedepensang Talk ‘N Text (6-0), kasunod ang Meralco (3-2), Petron Blaze (3-3), Barangay Ginebra San Miguel (2-4), Barako Bull (2-4) Air21 (1-5) at Globalport (1-6).

Kinuha ng Batang Pier ang 19-13 abante sa first period at iniwan ang Mixers sa third quarter, 58-50.

“We rushed things and never got going,” ani coach Tim Cone sa kanilang pagkakaiwan. “Then we admitted that we gotta match up to them.”

Matapos ang jumper ni rookie Jason Deutchman para sa 69-68 lamang ng Globalport sa 4:58 ng final canto, isang maikling 7-2 atake ang ginawa ni Yap para ibigay sa San Mig Coffee ang 75-71 bentahe sa 2:45 nito.

Huling natikman ng Batang Pier ang kalama­ngan sa 78-77 buhat sa freethrow ni two-time PBA MVP Willie Miller sa 55.7 segundo kasunod ang jumper ni Yap at split ni Mark Barroca para ilagay ang Mixers sa unahan, 80-78, sa 13.2 segundo ng laban.

Ang mintis ni rookie Vic Manuel sa posesyon ng Globalport ang nagresulta sa dalawang charities ni Barroca sa natitirang 3.1 segundo para sa panalo ng San Mig Coffee.

Kumabig si Marc Pingris ng team-high 17 points kasunod ang 16 ni Yap, 15 ni PJ Simon at tig-11 nina Barroca at Joe Devance.

Kasalukuyan pang nag­lalaban ang Meralco at Ba­rako Bull habang sinusulat ang balitang ito.

San Mig Coffee 82 - Pingris 17, Yap 16, Simon 15, Barroca 11, Devance 11, De Ocampo 4, Ramos 2, Villa­nueva 2, Gonzales 2, Reavis 2.

Globalport 78 - Miller 19, Manuel 17, Deutchman 7, Antonio 7, Mandani 6, Guevarra 6, Vanlandingham 5, Adducul 4, Vergara 3, Al-Hussaini 2, Yee 2, Cruz 0.

Quarterscores: 13-19; 30-38; 50-58; 82-78.

 

BARAKO BULL

BARAKO BULL ENERGY COLA

BARANGAY GINEBRA SAN MIGUEL

BARROCA

BATANG PIER

DE OCAMPO

GLOBALPORT

JASON DEUTCHMAN

SAN MIG COFFEE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with