MANILA, Philippines - Inilunsad ng Skil, isa sa mga kinikilalang power tool brand sa bansa, ang ‘Paint the Town Red’ kasama si PBA at UAAP champion coach Norman Black sa Bangkal, Makati City kamakailan.
Sa kanilang programa, magtatayo ang Skil ng 40 basketball half-courts sa mapipiling 40 barangays sa buong bansa.
“Like I do with the Ateneo Blue Eagles, I take the initiative to look for the best power tools the industry can offer,” sabi ni Black, ang Skil brand ambassador. “This is precisely why I use Skil power tools for all my projects.”
Nakasama ni Black sa paglulunsad ng programa sina Bosch Power Tools Country Sales Director William Go, Skil Brand Manager Martin Valenzuela at Barangay chairman Fermin Eusebio.