^

PSN Palaro

Flying Titans mas gutom sa korona

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Flying Titans mas gutom sa korona
Choco Mucho and Creamline
STAR/File

MANILA, Philippines — Tinapos ng Choco Mucho ang kanilang 12-game losing slump sa Creamline via five-setter sa paghataw ng single-round robin semifinals ng 2024 Premier Volleyball League All-Filipino Conference.

Ito ang gagawing motivation ng Flying Titans sa pagsagupa sa Cool Smashers sa Game One ng kanilang best-of-three championship series ngayong alas-6 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Sa unang laro sa alas-4 ng hapon ay magtutuos ang Petro Gazz Angels at Chery Tiggo Crossovers sa best-of-three duel para sa third place trophy.

Ito ang ikalawang finals appearance ng Choco Mucho kung saan tinalo sila ng Creamline noong nakaraang 2023 PVL All-Fi­lipino Conference title series.

“Siguro ang edge namin ay iyong gutom talaga. Gutom talaga ang Choco Mucho na makarating sa finals o makakuha ng championship,” ani coach Dante Alinsunurin sa kanyang Flying Titans.

“Kasi ito na iyong matagal ng hinihintay ng mga players at kami ring mga coaches na makuha iyon,” dagdag nito.

Maglalaro naman ang Cool Smashers sa pang-11 finals stint at target ang pang-walong korona.

“Same lang naman lagi ang ginagawa namin, iyong situation talagang nilalabanan namin. Iyong situation every point talaga, iyon lang naman iyong importante,” wika ni Creamline mentor Sherwin Meneses na aasahan sina Alyssa Valdez, Tots Carlos, Jema Galanza, Michele Gumabao, Kyle Negrito, Pangs Panaga at Risa Sato.

Sina Sisi Rondina, Maddie Madayag, Royse Tubino, Isa Molde, Cherry Nunag at playmaker Mars Alba ang muling babandera sa Choco Mucho.

vuukle comment

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with