^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Basura ng kandidato

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Basura ng kandidato

Maayos at matiwasay ang katatapos na midterm elections. May mga aberya pero madali namang nalutas. Madali rin ang nangyaring bilangan kaya marami agad ang naideklarang panalo. Ngayong araw namang ito nakatakdang iproklama ang mga nanalong senador. Sabi ni Comelec chairman George Garcia, sabay-sabay na ang gagawing pagproklama sa 12 senador.

Maayos at matiwasay ang election subalit maraming naiwang basura. Okey na sana ang election pero hindi naging okey dahil sa dami ng mga basurang nakakalat. Sa mismong araw ng election sa Metro Manila, gabundok na basura ang naiwan ng mga kandidato. Nagkalat ang mga sample ballot na ipinamamahagi. Kahit sinabi ng Comelec na hindi na kailangang mamudmod ng sample ballot hindi pa rin sumunod ang mga kandidato. Ang resulta: tambak ang papel sa eskuwelahan na pinagdausan ng halalan. Bukod sa papel, nakatambak din ang mga basurang pamaypay at kung anu-ano pang pinamimigay sa botante.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), nasa 1.44 tonelada ang nakolekta nila isang araw makaraan ang election. Karamihan sa nakuha nilang basura ay sample ballots, plastic bottles at food packs. Dahil nagkalat din ang vendors sa bisinidad ng school, nakadagdag sa basura ang mga sando plastic na pinaglagyan ng pagkain at inumin. Pati mga plastic cup at plastic bottled water ay nagkalat. Tapon dito, tapon doon ang mga vendors.

Pero ang pinakamasakit sa mata ay ang mga nakakabit na campaign posters at streamers ng mga kandidato. Hanggang ngayon, nananatili pa sa mga pader, bakod, poste ng kuryente ang mga campaign materials. Walang nakaaalam kung kailan babaklasin ang mga campaign materials.

Binatikos ng EcoWaste Coalition ang mga kandidato at supporters dahil sa mga basurang naiwan noong election. Sabi ng grupo, dapat maging responsible ang mga kandidato at magkusang hakutin ang kanilang mga basura.

Ayon kay Cris Luague, Zero Waste Campaigner ng EcoWaste, lagi na lamang nagiging problema ang ganitong sitwasyon pagkatapos ng election at hindi naman naiisip ng mga kandidato ang epekto ng mga ikinalat nilang basura.

Nagpapahiwatig na malapit na ang tag-ulan. Marami na ang binabahang lugar sa Metro Manila. Kahapon, binaha ang ilang lugar sa Parañaque at Las Piñas. Kung magpapatuloy ang pag-ulan sa hapon, tiyak na aapaw na naman ang mga kalsada. Paghupa ng baha, maiiwan ang mga basura.

Obligahin ng Comelec ang mga kandidato na baklasin ang kanilang campaign materials na ­malaking banta sa pagbaha. Kapag bumara sa drainage ang tarpaulin at iba pang plastic materials, baha ang resulta. Kawawa ang taumbayan.

KANDIDATO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with