^

PSN Opinyon

Trahedya sa Vancouver

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NOONG Sabado, trahedya ang naganap sa Lapu-Lapu Day, isang pagdiriwang na ginaganap ng Pilipino community sa Vancouver, British Columbia, Canada. Habang nagsasalo at nagsasaya ang mga kababayan natin sa pagdiriwang na ginaganap sa kalsada kung saan may maraming kainan, tindahan, at programa, isang SUV ang sumagasa sa mga nag­diriwang. Maraming nasagasaan at namatay.

Nahuli ng mga tao ang drayber ng SUV at siniguradong hindi makakatakas hanggang dumating ang mga pulis. Ang drayber ay si Kai-Ji Adam Lo, 30. Sa pinakahuling tala, 11 ang patay. Kinasuhan si Lo ng walong counts ng murder, pero baka madagdagan pa. Sigurado ako na karamihan ng namatay at nasaktan ay mga Pilipino-Canadian.

 Ayon kay Police Interim Chief Steve Rai may ilang paki­kipag-ugnayan na pala si Lo sa mga pulis at kilala na siya na may problema sa pag-iisip, bakit pa siya pinapayagang magmaneho ng sasakyan? May mga ulat na nang mailabas siya sa SUV ay panay “sorry” ang sinabi. Mabuti at hindi siya kinuyog ng mga Pilipino na naging mahinahaon na siguro sa Canada. Kung dito naganap ‘yan baka wala nang inabutan ang mga pulis lalo na’t may batang napatay.

Mapipilitan ang Vancouver na pag-aralan ang kanilang mga patakaran at alituntunin hinggil sa street festivals, par­ti­kular ang seguridad at kaligtasan ng mamamayan. May ilang libong festivals ang nagaganap sa Vancouver kada taon. Dapat pag-aralan na rin nila ang mga kailangan gawin kapag alam na may mga isyu o problema sa pag-iisip ang isang tao.

Wala pang inilalabas na motibo ni Lo kung bakit nagawa ang pananagasa. Basta na lang ba inisip na managasa ng tao? Dumilim ba ang paningin? May boses na nagsabi sa kanyang gawin ito? O target talaga niya ang Lapu-Lapu Festival ng mga Pilipino? Hindi dapat makalaya si Lo kahit sabihing may problema sa pag-iisip. Kung ganun ang depensa, hindi na rin siya dapat malayang gumagala sa lipunan. Dapat nasa instutusyon na. Malungkot at nataon mga kababayan natin sa Vancouver ang naging biktima. Pero kahit sino pa ang naging biktima, dapat gawin ng pamahalaan ng Vancouver ang lahat para hindi na maulit.

ACCIDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with