Karapatang maningil
KASO ito ng mag-asawang Mando at Mila tungkol sa pagbabayad ng kanilang utang ng ibang kumpanya na may-ari ng dalawang parsela ng lupa. Nasa pamamahala ito ng kanilang kaibigang si Romy na sumang-ayon upang isangla ang dalawang parselang lupa ng kompanya.
Ito ay bilang seguridad na mababayaran ang kanilang utang. Inaprubahan ito ng board of directors’ ng kompanya ni Romy.
Natuklasan ng kompanya na ang pirma ng Corporate Secretary sa Board Resolution ay hindi totoo. Ngunit bago kumilos ang kompanya upang protektahan ang kanilang titulo, nakautang si Mando at Mila sa banko.
Ito ay pagkatapos nilang masangla ang lupa at pumirma sa “Promissory Note” base sa pekeng “Secretary’s Certificate”.
Pagkaraan ng anim na taon na hindi nakabayad ang mag-asawa, sinubasta na ng banko ang lupa. Noong nagsampa ng kaso ang kompanya dahil peke ang pirma ng corporate secretary. Sinabi ng banko na natuklasan lang nilang peke ang pirma matapos ang ilang buwan.
Pagkaraan ng pagdinig sa kaso nagpasya ang Regional Trial Court (RTC) na pinayagan ang banko na isubasta ang lupang isinangla. Kaya, napilitan na ang kompanya na bayaran ang utang ng mag-asawa.
Kinuwestiyon ng kompanya ang desisyon ng RTC. Ngunit ito ay pinagtibay din ng Supreme Court. Kaya napilitan ang kompanya na bayaran ang utang ng mag-asawa sa halagang P3,367,474.42.
Pagkaraan ng dalawang taon,hiniling ng kompanya na bayaran ang kanilang binayad sa banko at nagsampa na ito ulit ng kaso sa RTC. Ngunit ito ay dinismiss ng RTC at sinabi na ang pagsampa ng kaso ay dapat ginawa pagkalipas lang ng apat na taon o noong madiskubre ang pekeng pirma.
Tama ba ang RTC?
Mali. Talagang naaprubahan na ng kompanya ang pagsangla. Ayon sa Article 1236 ng Civil Code, ang sinumang magbayad ng utang ng ibang tao ay maaaring singilin sa nangutang maliban na lang kung hindi alam ng nangutang o laban sa kalooban ng nangutang.
Makukuha lang nila ang binayaran kung ito ang para sa kapakanan ng nangutang. Mayroon pa rin karapatan ang kompanya na kunin ang binayad dahil pag-aari nila ang lupang sinangla. Talagang hindi nawala ang utang at napalitan lang ang dapat magbayad.
Ang aksiyon ng kompanya laban kay Mando at Mila ay base sa pagsangla na naaprubahan na ng korte. Kaya ito ay naisa-batas na. Kaya ang paglipas ng aksiyon laban sa mag-asawa ay magsisimula lamang noong binayaran ng kompanya ang utang ng mag-asawa sa banko.
Ang kaso ay sinampa pagkaraan ng dalawang taon na hindi magbayad ang mag-asawa sa kompanya. Kaya hindi pa talaga tapos ang karapatan ng banko na idemanda ang mag-asawa (Cecilleville Realty etc. vs. Spouse Acuna, G.R. 162074, June 13, 2009).
- Latest