^

PSN Opinyon

Robotics company sa norway, inilunsad ang kasambahay na robot!

MGA KUWENTONG WEIRD - Ronniel Niko B. Halos - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

Isang bagong humanoid robot ang inilunsad ng Norwegian robotics company na 1X, ang Neo Gamma. Ito ay isang AI-powered na robot na idinisenyo upang tumulong sa mga gawaing bahay tulad ng paglilinis, pag-aayos ng damit, at paghahain ng pagkain.

Sa inilabas na promotional video noong February 21, ipinakita ang kakayahan ni Neo Gamma sa pag-vacuum ng sahig, pagpupunas ng bintana, pagsasaayos ng mga gamit, at pagdadala ng grocery.

Sa kabila ng pagiging isang makabagong teknolohiya, hindi pa ito ibinebenta sa publiko. Sa halip, sumasailalim pa ito sa limited test run sa piling mga tahanan upang masuri ang kanyang kakayahan sa paggalaw, pagsasalita, at pag-unawa sa mga utos.

Gamit ang human motion capture data, natutunan ni Neo Gamma ang mas natural na galaw, kabilang ang pagyuko, pag-upo, at maingat na paghawak sa mga bagay.

Nilagyan din ito ng drive system na ginaya mula sa human tendons, kaya mas tahimik ito sa kilos, na may noise level na 10 dB lamang, kasing-ingay lang ng isang modernong refrigerator.

Ang disenyo ni Neo Gamma ay iba rin sa karaniwang humanoid robots. Sa halip na isang matigas at metallic casing, ito ay binalutan ng malambot na knitted nylon suit na ginawa sa pakikipagtulungan sa Japanese knitting machine company na Shima Seiki.

Ayon kay Bernt Børnich, CEO ng 1X, nalalapit na ang integration ng humanoid robots sa pang-araw-araw na buhay ng tao.

“Sa malapit na hinaharap, lahat tayo ay maaaring magkaroon ng sariling household robot,” aniya. “Ngunit upang tunay na maisama ang humanoid robots sa pang-araw-araw na buhay, kailangang paunlarin sila kasama ng tao at hindi sa hiwalay na paraan.”

Sa kabila ng mabilis na pag-unlad ng teknolohiyang ito, nananatiling malaking tanong kung kailan magiging ganap na bahagi ng pang-araw-araw na buhay ang huma­noid robots tulad ni Neo Gamma.

Habang patuloy na pinag-aaralan at pinahuhusay ang kanilang kakayahan, malinaw na patungo na tayo sa panahon kung saan ang mga gawaing bahay ay maaaring ipaubaya sa isang intelligent na robotic assistant.

NEO GAMMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with