Pananakit ng leeg

ANG pananakit ng leeg ay posibleng may kaugnayan sa masel, nerve at cervical vertebrae (buto sa leeg). Ganun­man, karamihan ng pananakit ng leeg ay hindi naman seryoso at maaaring magamot.

Mga dahilan ng pananakit ng leeg:

1. Hindi maayos na pagtayo at pag-upo. Ang hindi ma­ayos na pagkakaupo habang nasa harapan ng computer o ang pagkakabaluktot habang nasa harapan ng ginagawa at maling posture ay maaaring makapagpangalay ng muscle.

2. Pangangalay ng muscle. Sobrang paggamit gaya ng pag-ikot ng ulo, ay maaaring makapagpangalay sa muscle, gayundin ang pagkiskis ng ngipin.

3. Pag-edad ng joints. Ang leeg ay nakararanas ng pag­kapagod lalo na kung nagkakaedad, na nagiging dahilan para magkaroon ng osteoarthritis.

4. Pagkaipit ng ugat. Ito ay nangyayari sa puwang sa may palibot ng neck vertebrae o buto sa leeg. Puwedeng dahil sa arthritis o sobrang paninigas ng masel dulot ng stress.

5. Pagkapinsala. Ang pagkakapinsala sa whiplash, kung ang leeg ay pinatutunog ng paulit-ulit, nababanat ang leeg sa maling galaw.

6. Ang pananakit ng leeg ay maaaring sintomas ng sakit gaya ng rheumatoid arthritis o meningitis.

7. Kung minsan ang pananakit ng leeg ay nagpapahi­watig ng seryosong sakit. Kumunsulta sa doktor kung ma­karanas ng mga sumusunod: Pananakit ng balikat pababa sa braso; pamamanhid o pagkawala ng lakas sa iyong braso at kamay; pagbabago sa oras at panahon ng pagdumi; at kawalan ng kakayahan na maabot ng baba (chin) ang dibdib.

Show comments