Garden sa bubungan na yero
Ngayong araw na ito ay ibabahagi ko sa inyo ang isang magandang garden sa bubungan na yero ng kanilang tahanan.
Ang aking tinutukoy ay ang garden ni Ngayong araw na ito ay ibabahagi ko sa inyo ang isang magandang garden sa bubungan o yero ng kanilang tahanan.
Ang aking tinutukoy ay ang garden ni Josephine “Jo” Lucero na makikita sa Phase 2 Block 49 Lot 199 Parklane Subd. Brgy. Santiago, General Trias, Cavite.
Si Jo ay nagsimulang magtanim ng gulay noong kasagsagan ng pandemya sa Covid 19.
Aniya, naging lesson sa kanya noong i-lock down ang kanilang lugar at dahil sa wala siyang ginagawa ay naisipan niyang magtanim sa mga bote, paso, sirang palanggana, sako, timba at iba pa.
Sinabi ni Jo, noong una ay mga gulay na madaling itanim ang kanyang itinatanim tulad ng kamote, kangkong, alukbati at iba pa na tusok-tusok lang.
Hanggang unti-un-ting nagtanim si Jo ng mga gulay na para sa iba ay mahirap alagaan, tulad ng repolyo, kamatis, kalabasa, patola, at marami pang iba.
Aniya, namamatayan din siya ng halaman pero hindi siya tumigil sa pagtatanim hanggang unti-unting ma-perfect ang kahit anong itanim niya ay kanyang napapaganda.
Sinabi ni Jo na malaking bagay para sa kanyang pamilya ang kanyang ginagawang pagtatanim dahil sa nakakatipid na siya, masustansiya ang pinagsasaluhan ng kanyang pamilya at nakakatulong pa siya para sa pagpreserba sa Inang Kalikasan.
“Exercise ko na rin ang pagtatanim dahil akyat panaog ako mula sa baba hanggang sa bubungan ng aming bahay na hanggang 4th floor na,” ani Jo.
Sinabi pa niya na nasanay na rin siya at hindi na natatakot na tumungtong sa yero ng bubungan ng kanilang tahanan. “Sa yero kasi ay nasisikatang mabuti ng araw ang aking mga tanim kaya lumalaki sila ng maganda at nagbubunga ng marami,” pahayag pa ni Jo.
Iginiit pa ni Jo na dati ay kinakapos sila ng ‘financial” pero ngayon ay hindi na, sa halip ay nakakapag-savings pa.
Ang sobra sa pangangailangan na harvest ni Jo sa kanyang mga tanim ay kanyang ibinabahagi sa mga kapitbahay, kaibigan at kamag-anak. “Kapag nagbigay ako ng bagong harvest na gulay ay binibigyan naman niya ako ng bigas at isda,” nakangiting pahayag pa ni Jo
Nakakapag-sideline na rin ngayon si Jo bilang tutor sa anim na kabataang estudyante sa kanilang lugar. “Natutuwa ang mister ko dahil hindi na ako humihingi sa kanya ng pera, kung ano na lang ang iaabot niya,” sabi pa ni Jo.
Marami na ring natuturuan si Jo sa kanilang village na magtanim ng gulay kahit sa mga scrap material lamang.
“Ang pinakamasaya pa sa aking ginagawang pagtatanim ay kasama ko ang aking mga anak at nasusubaybayan ko ang kanilang pag-aaral at natuturuan ko sila,” aniya pa.
Apat ang anak ni Jo, ang dalawa ay tapos na sa kolehiyo at puro dean lister dahil naga-guide niya ng husto ang mga ito.
Sa mga residente ng Parklane Subd., sa General Trias Cavite na nagnanais bumili at humingi ng punla or seeds kay Jo kung may available ay i-text lamang po ninyo siya sa 09451773808. Magpakilala po muna kayo at sabihin ang sadya ninyo.
Sabihin lang po ninyo na nabasa ninyo ang kolum ng Magsasakang Reporter ang tungkol sa kanyang garden sa bubungan.
Ngayong Linggo, February 16, 2025 ay mapapanood ninyo ang interview at farm tour kay Jo sa TV Show ng Magsasakang Reporter na Masaganang Buhay.
Samantala, para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan ay maaari po kayong manood at makinig ng aking TV program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hanggang alas-8:00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapanood din sa RPTV, Facebook at Youtube.
Maaari rin kayong manood at mag-subscribe at mag-follow sa aking Youtube Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER at Facebook profile na Mer Layson at Facebook page na Ang Magsasakang Reporter, TV host Vlogger, Tiktok na Magsasakang Reporter para sa iba pang kaalaman at impormasyon sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan.
Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Media Group.
Nitong nakalipas na July 28, 2024 ay ginawaran ang Magsasakang Reporter bilang Asia’s Versatile and Promising Columnist on Agriculture of the year ng 9th Asia Pacific Luminares Award sa Heritage Hotel, Pasay City.
Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag po tawag, sa 09178675197. STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.