Dahiln close sa parents ng ex
Dear Dr. Love,
Dalawang buwan na po kaming nag-break ng gf ko. Ako ang may mali dahil hindi ako nakapagpigil at nabighani ako sa isa naming tropa.
Hindi ko ngayon alam kung paano magpapaalam sa parents niya at mga kamag-anak dahil sobrang close na po ako sa kanila.
Kapag tinatanong nila ako, hindi ako makasagot. Tapos nakita pa ako ng papa niya na may iba na akong kasama. Nagkausap na kami ng gf ko, pero hindi pa nila alam na ako ang nakipag-break sa kanya.
Egie
Dear Egie,
Ang pagiging malapit mo sa pamilya ng ex-girlfriend mo ay nagpapabigat lalo sa pakiramdam ng pagtatapos ng inyong relasyon. Pero mas magiging magulo kung patatagalin mo pa ito.
Kapag tinatanong ka ng pamilya ng ex mo, huwag mong iwasan o pagtakpan ang katotohanan. Hindi mo kailangang idetalye ang lahat, pero maaari mong sabihin ng maayos.
Masakit man, pero mas maganda nang galing mismo sa’yo kaysa marinig nila sa ibang tao.
Posibleng magalit sila o mainis dahil nag-invest din sila ng emosyon sa’yo bilang parte ng pamilya nila.
Pwede rin silang malungkot o madismaya, lalo na kung hindi nila alam na ikaw ang nakipaghiwalay.
Kung nakita ka na ng tatay niya na may kasamang iba, maaaring mayroon na silang hinala.
Huwag kang magpadala sa pressure. Ang mahalaga, magsalita ka nang may respeto.
Iwasan mong magpakita sa kanila nang madalas lalo na kung kasama mo na ang bago mong nililigawan o karelasyon.
Huwag nang makisali sa family events o gatherings kung wala namang dahilan na nandoon ka pa.
Bigyan mo sila ng panahon na matanggap ang nangyari. Iwasang magsalita ng masama tungkol sa ex mo. Huwag ipagmalaki agad ang bagong relasyon mo kung mayroon na. Kung may sama ng loob sa’yo, tanggapin ito bilang bahagi ng konsekwensya ng naging pagkakamali mo.
Handa ka na bang humarap sa kanila? O gusto mo pang pag-isipan ang tamang panahon?
DR. LOVE
- Latest