Ambassador of Urban Farming...
L. NOLASCO GARDEN
Ngayon araw na ito ay ibabahagi ko sa inyo ang isang napakagandang garden sa loob ng isang exclusive subdibisyon sa Novaliches Quezon City na ang may-ari ay ini-appoint ng Earth Savers Philippines bilang Ambassador of Urban Farming.
Ang aking tinutukoy ay ang L. Nolasco Garden na pag-aari ni Lamberto Q. Nolasco na makikita sa St. Francis Kingspoint SB Park, Bagbag Novaliches, Quezon City.
Si Sir Lamberto ang siyang pangulo ng “ The Joy of Urban Farming” na tumanggap na ng iba’t ibang parangal sa loob at labas ng bansa dahil sa kanyang magandang adbokasiya na pagtatanim iba’t ibang uri ng gulay sa urban area.
Champion sa katatapos na search for Urban Farming sa National Capital Region (NRC) ang garden ni sir Lamberto.
Si Lamberto ay ginawaran ng Most outstanding award for Humanitarian and Societal; International Achiever’s Award; Urban Farming Sectoral Representative; Vice Chairman ng Environmental Working Groups; Active Community Leader ng Quezon City; Socio Civic Leader and Advocate for Urban Development at marami pang ibang pagkilala dahil sa kanyang magandang gawain.
Caretaker ni Lamberto sa kanyang model garden si Josie Anthony na napakasipag sa pagtatanim at pag-aalaga ng iba’t ibang uri ng gulay at prutas.
Mahigit sa 400-squre meter ang L. Nolasco Garden at siksik sa tanim na gulay na napakagandang tingnan dahil nakahanay at luntian.
Nagsisilbi ring demo farm at learning site sa lahat ng miyembro ng The Joy of Urban Farming ang garden ni Lamberto.
Bukod sa pagbibigay ng libreng kaalaman ay nagbibigay din ng libreng binhi at punla na available sa L. Nolasco Garden sa mga bumibisita sa kanila.
Sa mga residente ng Novaliches, Quezon City na nagnanais bumisita, mag-training at humingi ng punla or seeds kay Lamberto ay i-text lamang po ninyo siya sa 0919-008-63-87. Magpakilala po muna kayo at sabihin ang sadya ninyo.
Sabihin lang po ninyo na nabasa ninyo ang kolum ng Magsasakang Reporter ang tungkol sa L. Nolasco Garden
Bukas araw ng Linggo, February 9, 2025 ay mapapanood ninyo ang interview kay Josie Anthony at farm tour sa L. Nolasco Garden sa TV Show ng Magsasakang Reporter na Masaganang Buhay.
Samantala, para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan ay maaari po kayong manood at makinig ng aking TV program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hanggang alas-8:00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapanood din sa RPTV, Facebook at Youtube.
Maaari rin kayong manood at mag-subscribe at mag-follow sa aking Youtube Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER at Facebook profile na Mer Layson at Facebook page na Ang Magsasakang Reporter, TV host Vlogger, Tiktok na Magsasakang Reporter para sa iba pang mga kaalaman at impormasyon sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan.
Regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Media Group.
Nitong nakalipas na July 28, 2024 ay ginawaran ang Magsasakang Reporter bilang Asia’s Versatile and Promising Columnist on Agriculture of the year ng 9th Asia Pacific Luminares Award sa Heritage Hotel, Pasay City.
Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag pong tawag ah, sa 09178675197. STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.
- Latest