Impeachment ni VP Sara batay sa malalamyang kaso

Pati mga kaaway at kritiko ni VP Sara Duterte ay napa­pailing. Mali-mali at mahina umano ang impeachment com­plaints laban sa kanya:

  • Marami sa mga habla ay mga krimen umano ni Sara nu’ng mayor o vice mayor pa siya ng Davao City. Hindi pa­pasa ang mga gan’ung habla. Dapat mga kaso lang bilang VP mula July 2022 ang isampa. Hindi puwedeng tanggalin si Sara bilang VP para sa mga sala bago nagsimula ang termino niya.
  • Karamihan ay mga katiwalian sa paggasta ni Sara ng P612.5 milyong confidential-intelligence funds sa Office of the Vice President at Dept. of Education, 2022-2024. Pero ang batayan du’n ay mga audit observation memos (AOMs) na sinumite ng Commission on Audit sa House committee on good government.

Ang AOMs ay mga paunang kwestyon pa lang ng COA sa mga ginasta ni Sara. Ehemplo ay bakit nagbayad sa mga taong ang pangalan ay Mary Grace Piattos, Fernando Tempura, Reymunda Jane Nova, Carlos Miguel Oishi.

Halatang mga pangalan ng tsitsirya ‘yon. Pero maari naman talaga magresibo ng CIF sa mga alyas basta lang may­roong ledger na nagtataglay ng mga tunay na pangalan, tirahan, lagda, at petsa ng paggasta. May pagkakataon pa magpaliwanag ang OVP at DepEd.

  • Mali ku’ng akusahan si Sara ng pagkanlong kay pastor Apollo Quiboloy. Nililitis pa ang founder ng Kingdom of Jesus Christ. Dapat wag ito i-politika.

Yu’ng dalawang pagbanta ni Sara lang ang matimbang na kaso. Una nu’ng Oct. 18, nang imuwestra niya sa online­ video ku’ng paano pupugutan si President Bongbong Marcos. Ikalawa nu’ng Nov. 24, nang sabihin niya online na umupa siya ng papatay kina BBM, First Lady Liza Araneta, at Speaker Martin Romualdez. Pinagmumura pa niya ang tatlo, ang mga kongresista, at mga hepe ng AFP at PNP.

Show comments