Maging mapagmatyag

WRONG timing ang unang araw ni BGen. Anthony Aberin bilang hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO). Ang sumalubong sa kanya ay ang pag-alboroto ni Vice President Sara Duterte sa House of Representatives kung saan naka-detain ang kanyang Chief of Staff na si Atty. Zuleika Lopez.

Nang dalhin sa St. Lukes Hospital si Lopez, todo bantay­ ang kapulisan ni Aberin. Sumama ang pakiramdam ni Lopez matapos ipasyang ilipat pansamantala sa Correctional Ins­titution for Women sa Mandaluyong City. Hindi naman nag­pahuli sa pagbigay ng proteksyon si VP Sara kay Lopez dahil hindi niya iniwan ito kahit nang naka kulong pa sa House of Representatives.

Ang matindi ay nang ipahayag ni Sara na siya ang tatayong abogado ni Lopez na inalmahan ng mga kongresista. Lalong uminit ang sitwasyon sa pagitan ni Sara at kapulisan sa pamumuno ni CIDG chief BGen. Nicolas Torre III habang nasa loob ng ospital.

Kasunod ay ang live zoom video ni Sara na may kina­usap na siyang papatay kina President Bongbong Marcos Jr, FL Liza Marcos at House Speaker Martin Romualdez kung siya ay papatayin. Dahil sa banta, naghigpit ang Pre­sidential Security Group para mabigyan ng proteksiyon ang Presidente.

Hindi dapat ipagwalambahala ang nagaganap na tension. Maging mapagmatyag ang mamamayan. Abangan!

Show comments