^

PSN Opinyon

Imbestigasyon ng Senate sa war on drugs

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

MARAMING nabubulgar sa hearing ng House quad committee na may kinalaman sa war on drugs ng nakaraang Duterte administration. Sandamakmak ang isinisiwalat ng resource persons at ang pangunahing itinuturo rito ay ang mga matataas na opiyales ng dating Duterte adminis­tration. At sa pag-iimbestiga ay nakulapulan ng mabahong putik ang Philippine National Police (PNP).

Nabulgar ang tungkol sa “reward money” na ayon kay dating police colonel at PCSO General Manager Royina Garma ay utos ni dating President Rodrigo Duterte. Ang reward ayon kay Garma ay mula P20,000 hanggang sa P1-milyon sa bawat mapapatay na drug suspects.

Kaya malaki ang aking paniwala na kaya dumami ang mga biktima ng extrajudicial killings (EJKs) ay dahil sa ma­la­king pabuya. Tokhang dito tokhang doon ang ginawa ng mga pulis para makarami. Umabot sa 6,000 ang mga biktima ng EJKs pero ayon sa human rights group, maaring triple nito ang napatay.

Subalit may hangganan ang pamamayagpag ng mga salarin dahil sa isinasagawang pagdinig ng quad comm. Marami na ring mga kaanak ng EJKs victims ang lumalantad at gustong magbigay ng pahayag sa mga nangyari. Naka handa na silang manindigan para sampahan ng kaso ang mga opisyales ng PNP at iba pa na ibinulgar ng resource persons sa pagdinig.

Ang isa pang magandang balita na labis na ikinasiya­ ng mga kaanak ng EJKs victims ay nang ihayag ni Senate­ President Chiz Escudero na magsasagawa rin ang Senado­ ng imbestigasyon ukol sa war on drugs at sa mga nangyaring EJKs at iba pa. Si Sen. Koko Pimentel ang mamu­muno sa pagdinig. Sabi ni Pimentel, iimbitahan si dating Pre­sident Duterte sa pagdinig na gagawin sa Lunes (Ok­tubre 28). Iimbitahan din umano sina Garma, Kerwin Espinosa at iba pang police officials.

Dati nang pinanukala ni Sen. Ronald dela Rosa na ang komite niya ang mag-iimbesiga subalit binatikos siya. Self serving daw sapagkat mistulang iimbestigahan niya ang sarili. Mahigpit na tinutulan ni Senate President Escudero ang panukala ni Dela Rosa.

Tama lang na magsagawa rin ng pag-iimbestiga ang Senado sa war on drugs. Pero malaki ang paniwala ko na hindi rin dadalo si Duterte sa pagdinig. Katulad din ng pagtanggi niya sa imbitasyon ng quad committee. Abangan.

WAR ON DRUGS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with