^

PSN Opinyon

Back to back champion...BBI ELEM. SCHOOL: GULAYAN SA PAARALAN

ANG MAGSASAKANG REPORTER - Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Ngayong araw na ito ay ibabahagi ko sa inyo ang inspiring at back to back champion na Gulayan sa Paaralan dahil sa organisado at ganda ng kanilang mga tanim na iba’t ibang uri ng gulay.

Ang aking tinutukoy ay ang Bagong Buhay I (BBI) Elementary School sa San Jose del Monte Bulacan.

Si Sir Rolly Carbonel, guro sa BBI ang siyang caretaker o tagapamahala ng nakapagandang garden ng nasabing paaralan.

Kumpleto ang mode of farming na ginagawa ni Sir Rolly sa BBI, may aquaponics, hydroponics at convention farming.

Dalawang taon nang champion sa search ng Gulayan sa Paaralan ng Department of Education (DepEd) ang BBI sa buong Bulacan.

Sa pagbisita ng Masaganang Buhay Team sa BBI ay pumukaw sa aking pa-ningin ang kanilang pader na may tanim na iba’t ibang uri ng gulay, tinawag nila itong “The Green Wall.”

Masipag at matiyaga si Sir Rolly sa paghahalaman. Walang sinayang na espasyo sa loob ng paaralan, lahat ay kanilang tinaniman ng iba’t ibang uri ng gulay.

Ayon kay Sir Rolly, halos isang Linggo niyang pinatiyagaan na pagdugtung-dugtungin  ang mga bote ng softdrinks para mabuo nito ang The Green Wall.

“Majority sa harvest namin dito ay siyang ginagamit namin sa feeding program sa aming mga mag-aaral na kulang sa nutrition ang pangangatawan,” pahayag ni Sir Rolly.

Mayroon mahigit sa 2,000 ang student population sa BBI at karamihan sa mga ito ay natuturuan din ni Sir Rolly sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng gulay.

Maging ang palibot ng flag pole sa paaralan ay luntuan at maraming tanim na gulay, tulad ng sili, kamatis, upo, pipino, lettuce, petchay, mustasa at iba pa.

Mga bumabaging na gulay ang siya ring nagsisilbing lilim sa mga mag-aaral sa matinting sikat ng araw.

Natural at organic farming ang pamamaraan ng pagtatanim ni Sir Rolly dahil gumagawa ito ng kanyang sariling “concoction” para magamit na pataba at insecticide sa kanilang mga tanim tulad ng fermented fruit juice, fish amino acid, compost at iba pa.

Bukod sa mga estudyante at kapwa guro, marami ring magulang ang nagpapaturo ng pagtatanim kay Sir Rolly.

Sadyang nagpupunla ng marami si Sir Rolly para ang mga sobra sa kanyang pagtatanim ay kanyang ipinamimigay sa iba.

Iniimbitahan ni Rolly Carbonel ang lahat, lalo na ang mga kapwa guro sa buong bansa, mga kabataan, magulang at senior citizens na magtanim tulad ng kanyang ginagawa.

Ngayong Linggo, October 20, 2024 ay mapapanood ninyo ang interview at farm tour kay teacher Rolly Carbonel sa kanilang garden sa TV Show ng Magsasakang Reporter na Masaganang Buhay.

Samantala, para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan ay maaari po kayong manood at makinig ng aking TV program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hanggang alas-8:00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5.

Mapapanood din sa RPTV, Facebook at Youtube.

Maaari rin kayong manood,  mag-subscribe at mag-follow sa aking Youtube Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER at Facebook profile na Mer Layson at Facebook page na Ang Magsasakang Reporter, TV host Vlogger, Tiktok na Magsasakang Reporter para sa iba pang kaalaman at impormasyon sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan.

Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Nga-yon (PSN) ng Star Media Group.

Nitong nakalipas na July 28, 2024 ay ginawaran ang Magsasakang Reporter bilang Asia’s Versatile and Promising Columnist on Agriculture of the year ng 9th Asia Pacific Luminares Award sa Heritage Hotel, Pasay City.

Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag po tawag, sa 09178675197.

STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.

ELEMENTARY

SCHOOL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with