BAGO pa man natapos ang filing ng certificate of candidacy noong October 8, sinabi ko na muling mabubuhay ang hidwaang Duterte-Nograles.
Noon pa man ay naging malakas na nga ang pag-aaway nila.
Hindi nga madaling makalimutan ang bangayan noon ng mga kampo ng mga Duterte at Nograles.
Ngunit noong 2016, nagbago ang ihip ng hangin.
Muling naging magkaibigan ang tatay ng mga Nograles na si former Speaker Prospero Nograles at dating mayor Rodrigo Duterte.
Noon ay tumakbong Presidente ng Pilipinas si Duterte at nanalo.
Naging magkaibigan na ang Duterte camp at ang kampo ng mga Nograles.
At dahil nga sa panibagong pagkakaibigan, binigyan ni Duterte ng puwesto si Karlo sa Gabinete.
Ginawa siyang presidential spokesman at bago bumaba sa puwesto si Duterte, itinalaga siyang chairman ng Civil Service Commission.
Ngayong darating na 2025 midterm elections, magkatunggali na si dating President Duterte at Karlo sa pagka-mayor ng Davao City.
Kaabang-abang ang darating na election sa Davao.