Champion sa nutrition...ROOFTOP GARDEN SA BRGY. DAANG BAKAL
Ngayong araw na ito ay ibabahagi ko sa inyo ang inspiring at motivational na buhay sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng lettuce at iba pang gulay sa rooftop ng isang barangay chairman sa Mandaluyong City na champion sa nutrition program ng pamahalaan.
Ang aking tinutukoy ay si Barangay Chairman Richard Bassig ng Barangay Daang Bakal, Mandaluyong City.
Si chairman ay nagsimulang maglingkod sa barangay bilang tanod, naging kagawad at ngayon ay papa-graduate na bilang punong barangay.
Sa buong termino ni chairman ay palagiang champion sa nutrition ang kanilang barangay dahil isinulong nito ang mga kapaki-pakinabang na programa na nagbibigay ng nutrition sa kanyang nasasakupan.
Napakaganda ng barangay hall ng Daang Bakal na mapagkakamalan mong city hall dahil hanggang 4th floor ito na kumpleto ng pasilidad.
Ang malawak na rooftop ng barangay ay ginawa namang hydroponics garden ni chairman na siyang ginagamit sa kanyang mga programa.
Malinis at walang nagtatapon ng basura sa kalsada sa nasasakupan ng Barangay Daang Bakal.
Sa halip na itapon ang mga plastic at bote ng softdrinks sa kalsada ay iniipon ng mga residente at dinadala sa barangay at pinapalitan ng pagkain tulad ng bigas at de lata.
“Ngayon ay gulay at isda na ang aming ipinapalit sa ano mang kalakal nila na dinadala sa aming barangay,” ani Chairman Richard.
Fresh at newly harvest na lettuce at isdang hito ang ibinigay sa mga residente kapalit ng plastic at bote na dinadala sa barangay.
“Madalas ay sila pa ang namimingwit at umaani ng lettuce kapalit ng kanilang kalakal,” pahayag pa ni Chairman Richard.
Sa pagbisita ng Masaganang Buhay team sa rooftop garden sa barangay ay dinatnan namin ang magagandang tanim na lettuce, kamatis, pakwan at kabuuang 1,200 heads na hito sa kanilang fishpond.
Taos-pusong nagpapasalamat si Chairman Richard sa kanilang LGU sa pa-ngunguna ni Mayor Benjamin Abalos Sr., at Vice Mayor Menchie Abalos dahil sa suportang ibinibi-gay sa kanilang mga programa.
“Nakakawalang pagod ang pagtatanim at pag-aalaga ng isda, may pang-ulam na kami, nakakatipid at marami pa kaming natutulungan na a-ming mga kabarangay,” sabi pa ni Chairman Richard.
Iniimbitahan ni Chairman Richard ang lahat, lalo na ang mga kapwa barangay chairman sa buong bansa, mga kabataan, magulang at senior citizens na magtanim tulad ng kanyang ginagawang pagtatanim.
Ngayong Linggo, October 13, 2024 ay mapapanood ninyo ang interview at farm tour kay Chairman Richard Bassig sa kanyang rooftop garden sa TV Show ng Magsasakang Reporter na Masaganang Buhay.
Samantala, para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng orga-nikong pamamaraan ay maaari po kayong manood at makinig ng aking TV program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hanggang alas-8:00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapanood din sa RPTV, Facebook at Youtube.
Maaari rin kayong manood at mag-subscribe at mag-follow sa aking Youtube Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER at Facebook profile na Mer Layson at Facebook page na Ang Magsasakang Reporter, TV host Vlogger, Tiktok na Magsasakang Reporter para sa iba pang kaalaman at impormasyon sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan.
Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Media Group.
Nitong nakalipas na July 28, 2024 ay ginawaran ang Magsasakang Reporter bilang Asia’s Versatile and Promising Columnist on Agriculture of the year ng 9th Asia Pacific Luminares Award sa Heritage Hotel, Pasay City.
Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag po tawag, sa 09178675197.
STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.
- Latest