^

PSN Opinyon

Kung puwede sa Makati, puwede sa buong bansa!

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

(Unang bahagi)

Nais ko pong ibahagi ang isang adhikain na malapit sa aking puso.

Isa sa mga pangunahing pangarap ko para sa ating bansa­ ay tiyakin na ang bawat Pilipino, lalo na ang mga kapus-palad, ay mayroong libreng maintenance medicine upang maalagaan ang kanilang kalusugan at mas matutukan ang kanilang pamilya at kabuhayan.

Mula noong 2017, nakapaglaan na po tayo ng mahigit­ P8 bilyon upang tiyakin na ang bawat residente sa Makati ay may libreng gamot para sa kanilang mga pangangailangan. Kasama dito ang maintenance medicine para sa mga sakit tulad ng altapresyon, diabetes, mataas na kolesterol, asthma, at marami pang iba.

Alam ko po ang kahalagahan ng kalusugan para sa bawat pamilya, at nais kong ipalaganap ang ganitong klaseng prog­rama sa buong bansa.

Kapag hindi na nag-aalala ang ating mga kababayan kung saan kukuha ng pambili ng gamot, mas magkakaroon sila ng pagkakataon na magpokus sa kanilang hanap­buhay at sa mas mahalagang bagay—ang kanilang mga mahal sa buhay.

Alam ko po na kung malusog ang ating mga kababayan, mas may kakayahan silang magsikap at makamit ang kani­lang mga pangarap. Ito ang dahilan kung bakit isa sa mga adbokasiya ko, bilang isang senatorial aspirant, ay ang pag­kakaroon ng libreng maintenance medicine para sa ‘poorest of the poor’ sa ating bansa.

Isa sa mga nakikita kong mapagkukunan ng pondo para sa programang ito ay sa pamamagitan ng pagtutulungan ng pamahalaan at mga pribadong sektor. Puwede po nating i-allocate ang parte ng ating pambansang budget, o mag­hanap tayo ng public-private partnerships upang matiyak na ang mga kababayan nating walang kakayanan ay magkakaroon ng tamang lunas at pagkalinga.

Naniniwala ako na ang pagpapalakas ng ating social programs, lalo na sa larangan ng kalusugan at edukasyon, ay makatutulong hindi lamang sa bawat indibidwal, kundi­ sa pag-unlad din ng ating ekonomiya. Kapag mas malusog ang ating bayan, mas maunlad ang ating bansa.

Kasama po ninyo ako sa adhikaing ito, at handa akong gawin ang lahat ng aking makakaya upang maisakatuparan ito.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na pagtitiwala at suporta. Sama-sama po nating isulong ang isang makataong lipunan na nagmamalasakit sa kalusugan ng bawat isa.

(Itutuloy)

PUSO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with