^

PSN Opinyon

PWD ng Quezon City...LEO's ROOFTOP GARDEN

ANG MAGSASAKANG REPORTER - Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Ngayong araw na ito ay ibabahagi ko sa inyo ang inspiring na buhay sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng gulay sa rooftop ng isang person with disability (PWD) sa “pusod” ng Quezon City.

Ang aking tinutukoy ay si Leo Agbunag Garcia, rooftop gardener at family driver na nakatira sa No.1 West Ave., corner Quezon Avenue, Barangay Sta.Cruz, Quezon City.

Si Leo ay Ilokanong anak ng Magsasaka mula sa Solano Nueva Vizcaya.

May kapansanan sa physical na pangangatawan si Leo bilang isang speech impairment dahil sa pagkakaroon niya ng “bingot” mula noong siya ay isilang.

Hindi naging hadlang kay Leo ang kanyang pagiging PWD para sumuko sa laban ng buhay sa halip  ay lalo pa siyang nagsikap, nagsipag at nagtiyaga hanggang matagpuan ang kanyang mababait na amo na itinuring na siyang kapamilya.

Stay in family dri-ver ngayon si Leo at ang tirahan ng kanyang mga amo ay may rooftop.

Ipinakiusap ni Leo na tamnan ng gulay ang kanilang rooftop na agad naman pinayagan ng kanyang mababait na amo.

Ginamit ni Leo ang kanyang sipag, abilidad at pagiging anak ng magsasaka.

Nag-akyat ng lupa sa rooftop at nagtanim ng petchay at mustasa na noong una ay pagkain lang niya pero ngayon ay marami na ang nakikinabang. “Dati ay petchay at mustasa lang ang tanim ko, hanggang mapanood ko kayo Magsasakang Reporter na puwede palang magtanim sa mga bote ng mineral water, timba at paso ng mga bumabaging na halaman, kaya ginaya ko po kayo,” ani Leo.

Sa pagbisita ng Masagangang Buhay team sa rooftop garden ni Leo ay nakita namin ang kanyang mga tanim na ampalaya, sitaw, upo, kalabasa, patola, ba-taw, sili, okra, talong, luya, malunggay, sweet basil, alukbati, papaya, pinya, kalamansi, dragon fruit at marami pang iba.

Ipinamimigay lang ni Leo ang mga harvest niya pero minsan ay binabayaran siya ng mga nabibigyan niya at nakakapagpadala pa siya ng mga aning gulay sa kanilang probinsiya.

“Nakakaaliw at nakakalibang ang magtanim. After my morning prayer and meditation ay nandito na ako sa rooftop para magtanim”, pahayag pa ni Leo.

“Bukod sa libreng ulam ay malusog ngayon ang aking pangangatawan,  malaking katipiran, nakakatulong pa ako para pangalagaan ang ating Inang Kalikasan,” sabi pa ni Leo. Marami na rin ang nagpapaturo ng pagtatanim ng iba’t ibang uri ng gulay kay Leo. Sa mga nais mag-inquire kay Leo ay i-follow lang ninyo ang kanyang FB page na Leo Agbunag Garcia.

Iniimbitahan ni Leo ang lahat, lalo na ang mga kapwa niya driver, PWD’s,  mga kabataan, magulang at senior citizens na magtanim tulad ng kanyang ginagawang pagtatanim.

Ngayong Linggo, October 6, 2024 ay mapapanood ninyo ang interview at farm tour kay Leo sa kanyang magandang taniman gulay sa TV Show ng Magsasakang Reporter na Masaganang Buhay.

Samantala, para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan ay maari po kayong manood at makinig ng aking TV program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hanggang alas-8:00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapanood din sa RPTV, Facebook at Youtube. Maaari rin kayong manood at mag-subscribe at mag-follow sa aking Youtube Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER at Facebook profile na Mer Layson at Facebook page na Ang Magsasakang Reporter, TV host Vlogger, Tiktok na Magsasakang Reporter para sa iba pang kaalaman at impormasyon sa pagtatanim ng iba’t-ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan.

Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Media Group.

Nitong nakalipas na July 28, 2024 ay ginawaran ang Magsasakang Reporter bilang Asia’s Versatile and Promising Columnist on Agriculture of the year ng 9th Asia Pacific Luminares Award sa Heritage Hotel, Pasay City.

Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag po tawag sa 09178675197.

STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.

PWD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with