NOONG nakaraang Miyerkules, nagpaalam na si Brig. Gen. Nicolas Torre III sa kanyang dating area of responsibility bilang hepe ng Region XI Southern Mindanao police director.
Nagpaalam na siya sa napaka-challenging na assignment sa buong career niya bilang police officer.
Isa sa mga naging challenging sa kanya ay ang pagtugis kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Pastor Apollo Quiboloy.
Napakarami niyang nakalaban nang naghahabol siya kay Quiboloy at apat pang akusado.
Nahaharap si Quiboloy sa salang serious sexual assault at human trafficking. Nakakulong ngayon sa PNP-Custodial Center sa Camp Crame si Quiboloy samantalang ang iba pang akusado ay nasa city jails.
Naging sikat si Torre dahil sa kanyang pagdadala ng may 3,000 miyembro ng Philippine National Police nang lusubin nila ang KOJC compound noong Agosto 24.
Gumamit si Torre ng katagang “heartbeat” sa paghahanap kina Quiboloy. Sumuko ang pastor noong Setyembre 8.
Makalipas ang dalawang linggo, na-promote si Torre. Itinalaga siyang hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).
Ano naman kaya ang mga challenges na haharapin ni Heartbeat Torre ngayong siya na ang CIDG chief?
Good luck General Torre!