Hudyat ng paghihiwalay nina Quiboloy at Duterte?

NOONG isang araw, inanunsiyo ng Executive Minister ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na hindi na ito lalahok sa mga rallies ng Maisug group na kinabibilangan ni dating President Rodrigo Duterte.

Ang Maisug group ay aktibo sa pangunguna ng rallies laban sa administrasyon ni President Ferdinand Marcos Jr.

Si Pastor Apollo Quiboloy, founder ng KOJC at nagpa­kilalang “chosen son of God” ay nakapiit ngayon sa PNP Custodial Center sa Camp Crame pagkatapos sumuko sa mga awtoridad noong Setyembre 8 sa Davao City.

Inaakusahan si Quiboloy ng qualified human trafficking at sexual offenses. May kaso ring kinakaharap si Quiboloy sa U.S. Apat na KOJC members ang kasamang sumuko ni Quiboloy.

Si Duterte at Quiboloy ay matalik na magkaibigan. Si Quiboloy ang spiritual adviser ni Duterte. Ginawa nga rin ni Quiboloy na administrator si Duterte sa kanyang mga assets kaya nga lang eto ay under freeze order hanggang February 6, 2025.

Ngunit sa pagkakataong ito, tila may lamat na ang pagsasamahan ng dalawang magkaibigan. Kung sila ay talagang magkaibigan, bakit nagpasya ang KOJC na hindi na ito sasali sa rallies ng Maisug group ni Duterte.

Paano na ngayon ang pagiging administrator ni Duterte sa mga assets ng KOJC at ni Quiboloy?

Narito ang kabuuan ng announcement ni KOJC executive minister Marlon Acobo kaugnay sa hindi na paglahok sa rallies ng Maisug ni Duterte:

Due to the many constraints, the Kingdom of Jesus Christ (KOJC) is no longer able to participate in any Maisug rallies.

KOJC ministry’s work in Evangelism, which was ­neglected for a while is now KOJC’s topmost priority and concern.

Thank you for your kind understanding. May the Almighty Father bless us all!

For KOJC:

Marlon Acobo (Sgd)

Executive Minister

Show comments