^

PSN Opinyon

Negosyo ng pekeng yosi sa Pinas, sumisikip na!

DIPUGA - Fidel Mangonon III - Pilipino Star Ngayon

Sumisikip na ang kalakaran ng pekeng yosi o sigarilyo sa Pinas. Ito ay matapos salakayin ng Criminal Investigation and Detection Group ang dalawang bodega sa Caloocan City at Quezon City at nakumpiska ang P197 milyon na halaga ng pekeng sigarilyo. Araguyyy!

Ang tanong paano nakarating ang pekeng sigarilyo sa Metro Manila at Luzon eh idinadaan ito sa Southern backdoor, di ba Boss Sakur Sir? Sobrang layo na ang narating ng sindikato ng pekeng sigarilyo at mukhang hindi maitaas ng ibang operating units ng PNP ang kamay na bakal nila laban dito. Magkano…este paano? Alam n’yo na ang kasagutan, di ba mga kosa?

“This operation is a testament of our unwavering dedication to safeguarding the nation’s economy,” ayon kay CIDG director Maj. Gen. Leo “Paco” Francisco. “We will not cease our efforts these smuggling syndicates are brought to justice, dahil ang gusto ng pulis ligtas ka!” Anong sey mo Boss Sakur? Eh di wow! Hehehe! ­Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Kung sabagay, kung ikinalat sa kalye ang milyones na halaga ng sigarilyo, malaking pagkalugi ang ihahatid nito sa mga legal cigarette manufacturers, na taunang nagbabayad ng tamang buwis. Ang nasa likod ng pekeng sigarilyo mga kosa ay ni isang kusing ay hindi nagbabayad ng buwis sa gobyerno.

Kaya ang suma total nito, magsasarahan ang maliiit na outlets ng sigarilyo dahil lugi sila. Walang bumibili ng produkto nila dahil sobrang mura ang pekeng sigarilyo. Get’s n’yo mga kosa?

Kung si Francisco at si PRO 11 director Brig. Gen. Nicolas Torre ay nag-declare ng all out war vs cigarette smuggling, bakit tahimik dito ang PRO 10 at PRO 12? Pitsa kaya ang dahilan?

Open secret naman ‘yan mga kosa na ang coastal towns ng PRO 10, PRO 11 at PRO 12 ang daungan ng pekeng sigarilyo galing Malaysia at Indonesia, bago isalya sa Metro Manila at Luzon provinces. Mismooo! Anyare? Ang sakit sa bangs nito!

Nabahala rin si President Bongbong Marcos dito sa problemang dulot ng cigarette smuggling dahil aabot sa P70 bilyon ang nawawalang buwis sa kaban ng bayan kada taon.

Kaya kasama ang Bureau of Internal Revenue at QCPD nang salakayin ng mga operatiba ni Francisco nitong Huwebes ang bodega ng pekeng sigarilyo na matatagpuan sa  61 Balingasa St., Balintawak, Quezon City at sa 163 F. Roxas St., 6th Ave., Grace Park West, Bgy. 54, Caloocan City.

Sa raid sa Quezon City, inaresto ang isang Chinese national at dalawang Pinoy subalit hindi pa batid kung sila ay may-ari ng epektos o mga miron lang. Sa Caloocan City, walang tao ang bodega. Dipugaaaaa! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Armado ng mission orders galing sa BIR, kinumpiska ng CIDG-AFCCU ang mga nakaimbak na 1,729,248 pakete ng pekeng sigarilyo na may tatak na FarStar, Mighty Red, Marlboro, Camel at Milano na nagkakahalaga ng P184 milyon.

May 170 boxes namang pekeng sigarilyo na Fortune, Camel at Modern Green na nagkakahalagang P12,750,000 ang nakuha sa Caloocan City. Ang inventory ng mga seized items ay isinagawa ng BIR.

Malaking kawalan sa sindikato ng pekeng sigarilyo itong isinagawang raid ng mga alipoes ni Francisco. Sanamagan! Abangan!

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with