INIMBESTIGAHAN ng Kamara de Representantes ang 402 ilegal na Philippine Offshore Gaming Operations. Inusisa ng Senado si Bamban Mayor Alice Guo. Inungkat ng iba’t ibang ahensya ng Ehekutibo ang mga krimen na pinamunuan, sinalihan, o hinayaan niya:
(1) ilegal na sugalan, (2) cyber-scamming, (3) human trafficking, (4) pag-abuso sa babae’t bata, (5) abduction, (6) serious illegal detention, (7) torture, (8) protitusiyon;
(9) gunrunning, (10) pagkanlong sa mga kriminal, (11) conspiracy, (12) bilyun-bilyong pisong tagong yaman, (13) money laundering, (14) tax evasion, (15) smuggling ng kotse, (16) negosyong hindi rehistrado;
(17) panunuhol, (18) graft, (19) korapsyon, (20) pandarambong, (21) dummying, (22) pamemeke ng dokumento, (23) pagbubulaan sa SALNs at kakikilanlan, (24) pagsisinungaling sa sinumpaan;
(25) forgery, (26) identity theft, (27) fake citizenship, (28) pekeng titulo ng lupa, (29) ilegal na paghuhukay, (30) ilegal na konstruksyon , (31) illegal occupancy, (32) environment noncompliance, (33) polyusyon;
(34) election mockery, (35) pamimili ng boto, (36) marangyang paggasta, (37) eluding arrest warrant, (38) eluding Quarantine, (39) eluding Immigration, (40) eluding Customs.
Pinaka-malala, (41) pag-eespiya para sa Komunistang China.
Hunyo 4, sinuspindi siya ng Ombudsman. Hinabla ng Statistics Authority ng pamemeke ng kapanganakan, at ng NBI ng cybercrime. Maghahabla ang Presidential Anti-Organized Crime Commission ng karumal-dumal at walang bail na human trafficking at tortute.
Dapat nag-red alert ang Bureau of Immigration at ang Philippine National Police. Dapat nagpakita ng katapatan sa trabaho. Kailangan ‘yon lalo na’t kumalat na tumatanggap ang mga hepe nila sa DOJ at DILG ng P200-milyong “protection money” mula POGOs.
Pero hindi sila nagsumikap. Nasuhulan kaya?