^

PSN Opinyon

Mini shabu lab sa Pasay,  na-pong ng PDEG!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

DAHIL napaghuhuli na ang mga finished products na droga ng mga drug syndicates, nangangamba si PDEG director Brig. Gen. Eleazar Matta na magsulputan ang shabu laboratory sa Pinas. Kaya’t mahigpit ang bilin ni Matta sa mga tauhan niya na hanapin kung merong nagtayo ng shabu lab saang sulok man ng bansa.

“As of this time, we have no information about the exis­tence of a shabu lab. Pero isa ‘yan sa pinahahanap ko inten­sely kasi they might resort to that strategy kasi napag­huhuli na ang mga finished products na ini-smuggle nila,” ani Matta.

Nagbunga naman ang paghihirap ng mga operatiba ni Matta. Kaya lang, hindi shabu lab ang kanilang nabungaran kundi ang maliit na bersiyon nito. Ang mini-shabu lab ay na-pong ng PDEG operatives sa condo unit ni Hua Chen, 26, sa AAA Condominium, Bgy. 76, Zone 10, Pasay City. Tsk tsk tsk! Pasay na naman? Talagang hindi na makaahon sa taguring Sin City itong siyudad ni Mayor Emy Calixto, ‘no mga kosa? Ang sakit sa bangs nito!

Sinabi ni Matta na bigtime si Hua, dahil key player ito ng undergound drug market na kilala bilang Manila Online Contraband Counter. Tsk tsk tsk! Sa online pala ang bentahan nito kaya tabo si Hua rito dahil mura niya itong ibinebenta­. Tsaka, now lang natuklasan ng PDEG ang ganitong paggawa ng shabu dahil dinideliber ito sa pamamagitan ng ser­vice provider apps, tulad ng Lala Move, Grab at iba pa. Eh di wow!

Ayon kay Matta, si Hua ang nasa likod ng pagkalat ng droga, tulad ng shabu, ketamine at ecstasy sa mga kalye sa Metro Manila. Araguyyy! Buti na lang at naagapan itong tuldukan ng PDEG bago lumawak lalo ang operation ni Hua. Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Nakumpiska kay Hua ang isang transparent plastic pack na naglalaman ng 114 grams ng Ketamine na may pres­yong P570,000; isang pakete no 546 gramo na shabu na nagkakahalagang P3.7 milyon; isang plastic o 643 gramong Ampetamine na sa P3.2 milyon, assorted party drugs sa P189,000; digital weighing scale, Chinese passport, kulay asul na Ifone, at P8,000 boodle money.

Ang testigo sa raid ay sina Andres Bejay, Kagawad ng lugar at mediaman na si Jayson Drew. Gumamit ng dalawang body worn cameras ang PDEG raiders para transparent ang operation nila. Sanamagan!

Natuklasan pa ng PDEG operatives na si Hua ay sangkot sa importation ng chemicals na ginagamit niya sa kanyang mini shabu lab. Ang chemicals, aniya, ay pino-process mula sa liquid form papunta sa solid na shabu, na bawas na ang stimulant effect nito. Kaya pabalik-balik ang mga kliyente ni Hua sa pag-order ng gawa niyang shabu. Get’s n’yo mga kosa?

Dinemo pa ni Hua sa PDEG agents kung paano niya ginagawa ang mababang klase ng shabu. Kaya mga kosa ‘wag tangkilikin itong shabu na gawa ni Hua dahil nagsasayang lang kayo ng pitsa n’yo. Dipugaaa! Magbago na kayo uy! Eh di wow! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Sinabi ni Matta na sa pagkaaresto kay Hua, na disrupt ang supply ng shabu sa  Pasay, Makati, Taguig at kalapit nilang siyudad. Mabuhay ang PDEG! Abangan!

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with