^

PSN Opinyon

Dagok sa PNP, mga sinabi ni Espenido

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

MARAMING nagulat sa sinabi ni “drug lord terminator” police Lt. Col. Jovie Espenido nang humarap sa Quad Commission ng House of Representatives noong nakaraang linggo. Sinabi niyang ang Philippine National Police (PNP) ang pinakamalaking crime syndicate sa bansa.

Malaking dagok ito sa imahe ng PNP at malaking kasi­raan sa administrasyon ni President Ferdinand Marcos Jr. Si Espenido ay mabalasik na police officer sa panahon ni dating President Rodrigo Duterte.

Si Espenido ang hepe ng pulisya ng Albuera, Leyte nang mapatay si dating Mayor Espinosa sa loob ng kulungan.

Subalit nagbago na ang inog ng buhay ni Espenido dahil maging si dating PNP chief at ngayo’y senador Ronald “Bato” dela Rosa ay idinawit niya sa malaganap na patayan sa drug campaign ni Duterte.

May maniwala pa kaya kay Espenido? Palagay ko wala. Mukhang may bahid pulitika na naman ang nakikita ng mga kaalyado ni Vice President Sara Duterte. Ang home town kasi ni Espenido ay Leyte na nasasakop naman ni House Speaker Martin Romualdez.

Sa kabila naman ng mga siniwalat ni Espenido, walang puknat ang operasyon ng PNP-Drug Enforcement Group (PDEG) laban sa drug pushers. Ayon kay PDEG director BGen. Eleazar Matta, tinututukan nila ngayon ang mga malalaking sindikato ng droga sa bansa.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with