^

PSN Opinyon

"Pinapagalitan ang hindi nagbubunga" Ex-OFW, nagtatanim kahit saan magpunta

ANG MAGSASAKANG REPORTER - Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Ngayong araw na ito ay ibabahagi ko sa inyo ang inspiring na buhay ng dating Overseas Filipino Worker (OFW) sa bansang London na kahit saan mapunta ay nagtatanim siya ng kanyang sariling pagkain na gulay, herbs at prutas.

Ang aking tinutukoy ay si Yolanda Collantes, mas kilala bilang “Ateng Yolly” ng San Fernando Sur, Cabiao, Nueva Ecija.

Si Ateng Yolly ay mahigit sa tatlong dekada nang OFW sa London at itinaguyod buong pamilya para makaahon sa kahirapan hanggang magtagumpay.

Mabait, mapagbigay at God fearing si Ateng Yolly kaya naman minahal siya ng husto ng kanyang naging boss sa London.

“Noong nasa London ako, lahat ng seeds o buto na aking nakikita ay aking itinatanim lalo na ang mga herbs, na isa sa nagustuhan sa akin ng aking mga boss,” aniya

Nawawala raw ang stress niya at naiiwasan ang pagka-homesick sa kanyang ginagawang pagtatanim.

Nakakatipid siya at masustansiya pa ang kanilang kinakain dahil pawang galing ito sa kanyang itinanim. Sa tuwing nagbabakasyon at kahit ngayon na nag-for-good na si Ateng Yolly ay hindi siya nawawalan ng mga tanim na gulay, herbs at prutas sa ilang property na kanyang naipundar.

Sa pagbisita ng Masaganang Buhay Team sa isang lote na nabili ni Ateng Yolly ay luntian at napakaganda ng iba’t ibang uri ng gulay, herbs at prutas, tulad ng talong, kalabasa, patola, ampalaya, okra, sili, sitaw na mga tanim niya.

Aniya, libangan na niya ang pagtatanim at ang sobra sa kanilang pagkain ay pinamimigay niya sa mga kapitbahay, kaibigan, kamag-anak at mga bumibisita sa kanya. Sinabi ni Ateng Yolly, kung ang bawat isa ay magtatanim, walang magugutom na pamilya.

Nagbigay pa ng halimbawa si Ateng Yolly na tatlong uri ng gulay na madaling itanim, dahil ito’y tusok-tusok lamang.

Ang tatlong gulay na ito ay kamote, kangkong at alukbati na habang tinatalbusan ay lalong yumayabong kaya “all year round” ay hindi ka na mawawalan ng supply ng gulay.

Sa 500 square meter naman na tirahan ni Ateng Yolly ay napakarami niyang tanim na prutas. Ilan dito ay mangga na kung mamunga ay isang kilo ang isang piraso at napakatamis, avocado, guapol, ubas, saging, kamias, kalamansi at marami pang iba.

Pahayag pa ni Ateng Yolly, kinakausap niya at pinapagalitan ang kanyang mga tanim kapag hindi nagbubunga, habang pinupuri naman niya ang mga masipag magbigay ng bunga.

Iniimbitahan ni Ateng Yolly ang lahat, na magtanim tulad ng kanyang ginagawang pagtatanim.

Sa Linggo, September 8, 2024 ay mapapanood ninyo ang interview kay Ateng Yolly at farm tour sa kanyang magandang taniman ng gulay sa Buhay TV Show ng Magsasakang Reporter.

Samantala, para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba’t-ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan ay maaari po kayong manood at makinig ng aking TV program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hanggang alas-8:00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapanood din sa RPTV, Facebook at Youtube.

Maaari rin kayong manood at mag-subscribe at mag-follow sa aking Youtube Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER at Facebook profile na Mer Layson at Face-book page na Ang Magsasakang Reporter, TV host Vlogger, Tiktok na Magsasakang Reporter para sa iba pang kaalaman at impormasyon sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan.

Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Media Group.

Nitong nakalipas na July 28, 2024 ay ginawaran ang Magsasakang Reporter bilang Asia’s Versatile and Promising Columnist on Agriculture of the year ng 9th Asia Pacific Luminares Award sa Heritage Hotel, Pasay City.

Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag po tawag, sa 09178675197. STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.

OFW

WORKER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with