^

PSN Opinyon

Restaurant sa U.S., inireklamo matapos mag-serve ng alak sa 2-taong gulang na batang customer!

MGA KWENTONG WEIRD - Ronniel Niko B. Halos - Pilipino Star Ngayon

Isang dalawang taong gulang na batang babae sa California, U.S.A. ang naospital matapos malasing sa nainom nitong alak na maling binigay ng kinainan nitong restaurant!

Noong Agosto 17, kumain ng hapunan si Noemi Valencia kasama ang kanyang asawa at anak sa Fujiyama Japanese Restaurant sa Salinas, California. Malapit nang matapos kumain ang pamilya nang mapansin ng mag-asawa na kakaiba na ang ikinikilos ng kanilang anak na babae.

Ayon kay Noemi, pasuray-suray na itong maglakad at natutumba sa tuwing tumatayo mula sa kanyang kinauupuan. Iba na rin ang paraan ng pagbigkas nito ng mga salita na tila hindi nito maituwid ang dila sa pagsasalita.

Naghinala na ang mag-asawang Valencia na may kina­laman ang kinain ng kanilang anak sa nangyayari dito kaya agad nilang inamoy at tinikman ang pagkain nito. Wala silang napansin na kakaiba sa pagkain nito ngunit nang amuyin nila ang baso ng inorder nilang apple juice para sa bata, nagulat sila na alak ang nilalaman nito.

Agad silang nagpatawag ng ambulansiya para dalhin sa emergency room ang bata. Pagdating sa ospital nalaman nila na ang blood alcohol level ng kanilang anak ay umabot sa .12. Ang level na ito ay doble sa legal limit para magmaneho ang isang driver.

Sa panayam ng mga news agency sa manager ng Fujiyama Japanese Restaurant, nagkamali ang isa sa kitchen staff at ang nailagay sa baso ng bata ay mirin o cooking wine. Ang mirin ay isang uri ng matamis na alak mula sa Japan na ginagamit sa pagluluto. Mayroon itong mababang alcohol content (karaniwan ay mga 14 percent), at napakatamis nito dahil sa asukal na nagmumula sa natural brewing process.

Ayon sa manager, nagkamali ang kanilang kitchen staff dahil ang ginagamit na mirin sa kanilang restaurant ay may label na mansanas sa bote nito kaya napagkamalan itong apple juice.

Dahil sa insidente, naging leksiyon na sa mag-asawang Valencia na dapat ay sila muna ang tumikim sa bawat pagkain na isi-serve sa kanilang anak sa tuwing sila ay kakain sa labas.

Nagpaalala sila na dapat ay gawin din ito ng ibang mga magulang lalo na ang may mga maliliit pang anak na hindi pa kayang magsalita at magreklamo sa kanilang kinakain.

Sa kasalukuyan, nag-iimbestiga na ang mga police department sa Salinas City kasama ang California Department of Alcoholic Beverage Control tungkol sa insidente. Hindi pa malinaw kung magsasampa ng kaso ang pamilya Valencia laban sa Fujiyama Japanese Restaurant.

vuukle comment

FUJIYAMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with