^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Mahal na libro ni VP Sara

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Mahal na libro ni VP Sara

Ang librong “Isang Kaibigan” na inakda ni Vice President Sara Duterte ay tungkol sa magkaibigang kuwago at loro. Nasira ang bahay o pugad ni Kuwago nang tamaan ng bagyo. Tinulungan siya ni Loro. Hindi siya iniwan ni Loro sa pagkakataong iyon at pinatunayan ang pagiging matalik na kaibigan. May iba pang kaibigan si Kuwago pero si Loro lamang ang tanging naiwan at tinulungan siya hanggang ganap na nakabangon sa dinanas na hirap.

Ang pondo ng libro ay P10 milyon at ipapamahagi sa mga bata sa buong bansa. Kasama ang pondo sa P2.037 bilyon na budget na hinihingi ng Office of the Vice President para sa 2025.

Hinihimay ng Senate finance committee na pinamumunuan ni Sen. Grace Poe ang budget ng OVP at naroon si Sara bilang resource person. Tinanong ni Senate Deputy Minority Leader Sen. Risa Hontiveros si Sara ukol sa children’s book na “Isang Kaibigan” na ito mismo ang awtor. Gustong malaman ni Honti­veros kung ano ang nilalaman ng libro. “Puwede po bang sabihin…more tungkol sa librong ito?” tanong ni Hontiveros kay Sara.

Pero sa halip na sagutin o ipaliwanag ni Sara ang nilalaman ng kanyang libro ay inakusahan niya si Hontiveros na “namumulitika”. Sa pagdinig ding iyon sinabi ni Sara ang ginawang paghingi ng tulong sa kanya ni Hontiveros noong tumakbo itong senador. Pero nang manalo raw ito, ang unang binanatan ay ang kanyang ama na si dating President Rodrigo Duterte­. Sinabi rin ni Sara na hindi ipinagbibili ang libro­. Ang binayaran lang daw ay ang publication. Sabi pa ni Sara, padadalhan niya ng kopya si Hontiveros para malaman nito ang nilalaman ng libro.

Malayo ang sagot ni Sara sa tanong ni Hontiveros. Dapat sinagot niya na ang nilalaman ng libro ay tungkol sa pagkakaibigan. Iyon lang. Napakasimple.

Pero sa totoo lang, napakamahal ng inilaang P10 milyon para sa libro. Puwede namang ginawa na lang ito online at pinost sa FB at YouTube at tiyak na marami pa ang makakabasa. Hindi na sana inim­prenta na ubod nang mahal. Nasayang lang ang pera ng taumbayan!

Napakasimple naman ng nilalaman ng libro na hindi na dapat pinag-ugatan ng mga pagtatalo.

vuukle comment

SARA DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with