Nagsimula sa mga bote ng sofdrinks...Theo's hydroponic farm
Ngayong araw na ito ay ibabahagi ko sa inyo ang isang farm ng isang guro na single parent. Nagsimula siyang magtanim sa pamamagitan lamang ng mga bote ng sofdrinks na tinaniman niya ng lettuce at isinabit sa harapan ng kanilang tahanan.
Ang aking tinutukoy ay ang Theo’s Hydroponic Farm na pag-aari ni Teofilo ‘Teo’ Salazar Tabuan Jr., Teacher III, basketball referee at lettuce farmer na makikita sa Purok 5, Catagudingan San Clemente Tarlac.
Sa pagbisita ng Masaganang Buhay Team sa farm ni Teo ay sinalubong kami at nagpaunlak ng panayam sa Magsasakang Reporter hinggil sa kanyang journey sa pagtatanim ng iba’t ibang green leafy vegetables, fruit bearing tress at iba’t ibang variety ng lettuce.
Ayon kay Teo, nagsimula siya sa lettuce farming noong kasagsagan ng Covid 19 pandemya at isa ang Magsasakang Reporter sa kanyang pinapanood sa youtube para makakuha ng idea sa pagtatanim.
Aniya, mga bote ng sofdrinks ang una niyang ginamit sa pagtatanim at ang nutrients solution na kanyang ginamit ay vermi tea.
“Nag-alaga din ako dati ng mga bulate na African Night Crawler (ANC), na nagpo-produce ng vermicast,” ani Teo.
Sa paglipas ng mga buwan ay unti-unting napalaki ni Teo ang kanyang garden at namuhunan na rin siya ng halagang 1,000 hanggang magkaroon na rin ng sariling green house.
Patuloy na tinangkilik ang mga produce na lettuce ni Teo ng kanyang mga kabarangay, kapwa guro at maging ang mga estudyante, kaya lalo pa siyang nagsipag at nag-tiyaga sa pagtatanim.
Mula sa fresh lettuce ay gumagawa na rin ngayon at nagbebenta ng masarap at masustansiyang lettuce chips si Teo.
Ayon kay Teo, malaking tulong sa kanyang pamilya ang kanyang pagiging lettuce farmer dahil siya ay single parents na mag-isang tinataguyod, pinag-aaral ang kanyang dalawang anak, isang lalaki at isang babae.
“Marahil ay kakapusin kami kung umasa lang ako sa aking suweldo bilang guro ng Bamban National High School dahil lumalaki ang aming gastos makaraang tumunton sa kolehiyo ang aking panganay habang grade 10 naman si bunso,” ani Teo.
Nagsa-sideline din bilang basketball referee si Teo kapag may mga liga sa kanilang lugar.
“Lahat ng maaaring pagkakitaan sa ligal na pamamaraan ay pinapasok ko para mapagtapos ko sa pag-aaral ang aking anak,” sabi pa ni Teo.
Aniya, time management ang kanyang ginagawa. Pagkalabas ng school at walang masyadong gawain ay nagtatanim siya ng lettuce para magkaroon ng dagdag na kita.
Nagsisilbi ring speaker at trainor si Teo sa ibang paaralan, grupo at organisasyon na nagnanais magpaturo ng lettuce farming.
Pahayag pa ni Teo, “Farming is enjoyable and profitable, nagawa niya ang magtanim sa kabila ng napaka-busy niya kaya magagawa rin ng iba.
Nais ni Teo na mapalawak at ma-improve pa ang kanyang farm at mapalago pa ng husto ang kanyang mga tanim, lalo na kung tutulungan siya ng pamahalaan partikular ang Local Government Unit (LGU) at Department of Agriculture (DA).
May permit na rin sa Department of Trade and Industry (DTI) ang Theo’s Hydroponic Farm.
Ayon kay Teo, natutuwa siya dahil marami na siyang natutulungan at natuturuan na mga estudyante na bumibisita sa kanyang Hydroponic Farm.
Iniimbitahan ni Teo ang lahat, lalo na ang kabataang estudyante na magtanim tulad ng kanyang ginagawang pagtatanim.
Sa mga nais mag-training, mag-seminar, bumisita at bumili ng produkto ni Teo fresh lettuce at masarap at masustansiyang lettuce chips, mag-text kayo at mag-inquire sa kanyang number na 0948-808-03-25
Sa Linggo, August 18, 2024 ay mapapanood ninyo ang interview kay Teo at tour sa Theo’s Hydroponic Farm sa Masaganang Buhay TV Show ng Magsasakang Reporter.
Samantala, para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan ay maaari po kayong manood at makinig ng aking TV program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hanggang alas-8:00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapanood din sa RPTV, Facebook at Youtube.
Maaari rin kayong manood at mag-subscribe at mag-follow sa aking Youtube Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER at Facebook profile na Mer Layson at Face-book page na Ang Magsasakang Reporter, TV host Vlogger, Tiktok na Magsasakang Reporter para sa iba pang kaalaman at impormasyon sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan.
Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Media Group.
Nitong nakalipas na July 28, 2024 ay ginawaran ang Magsasakang Reporter bilang Asia’s Versatile and Promising Columnist on Agriculture of the year ng 9th Asia Pacific Luminares Award sa Heritage Hotel, Pasay City.
Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag po tawag, sa 09178675197. STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.
- Latest