^

PSN Opinyon

BCV Farm: Learning site for agriculture

ANG MAGSASAKANG REPORTER - Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Ngayong araw na ito ay ibabahagi ko sa inyo ang isang nakapagandang farm na certified learning site for Agriculture na makikita sa Zambales.

Ang aking tinutukoy ay ang BC Valles Farm Inc. na makikita sa Sitio Olpoy, Amungan and Bangantalinga, Iba Zambales.

Sa pagbisita ng Masaganang Buhay Team sa BCV Farm ay sinalubong kami at nagpa-unlak ng panayam sa Magsasakang Reporter ang President at CEO ng Farm na si Benigno “Boboy” Valles.

Si Boboy ay dating empleyado ng gobyerno, lumipat sa private sector na North Luzon Expressway (NLEX) hanggang magtayo ng sariling farm ang kanyang pamilya.

Sa farm natagpuan ni Boboy ang tunay na satisfaction sa buhay makaraang maitayo at mapasimulan ang napakagandang nang BCV Farm.

Luntian ang pali-gid ng BCV Farm na napapalibutan ng magandang tanawin kung saan maririnig ang pagdaloy na tubig  sa ilog galing sa kabundukan ng Iba, Zambales.

Mistulang paraiso ang BCV farm na may lawak na 35 ektarya na may iba’t ibang uri ng tanim na gulay, prutas at paitlugan manok.

Mayroong palayan, isang ektaryang tanim na iba’t ibang variety ng ubas, rambutan, dragon fruit at iba pa.

Mayroon din Cabanas sa loob ng BCV Farm na maaaring mag-accomodate ng hanggang 50 katao na akmang-akma sa mga nagsasanay ng organic method of farming o kaya’y pami-pamilya, grupo at organisasyon na nais mag-relax ng overnight sa farm.

Ka-partner ng BCV farm ang Agricultural Training Institute ng Department of Agriculture bilang Regional Training Center ng Region 3.

PhilGap certify din ang BCV farm dahil sa good practice of farming.

Maraming estudyante mula sa iba’t ibang unibersidad ang nagse-seminar at nagte-training sa BCV farm tulad ng katatapos pa lamang na Training on Integrated Rice Base Farming System (IRBFS): Maximizing Sustainability Through Effective Rice Straw Management.

Ayon kay Boboy, natutuwa siya dahil marami ang natutulungan at natututo na mga estudyante na nag-on the job training (OJT) at mga magsasaka sa BCV farm.

Iniimbitahan ni Boboy ang lahat, lalo na ang kabataan na magtanim tulad ng ginagawa sa BCV farm.

Sa mga nais mag-training, mag-seminar bumisita at mag-staycation sa BCV Farm ay mag-text kayo at mag-inquire sa 09177221120.

Sa Linggo, August 11, 2024 ay mapapanood ninyo ang interview kay Boboy at tour sa BCV Farm sa Masaganang Buhay TV Show ng Magsasakang Reporter.

Samantala, para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan ay maaari po kayong manood at makinig ng aking TV program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hanggang alas-8:00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapanood din sa RPTV, Facebook at Youtube.

Maaari rin kayong manood at mag-subscribe at mag-follow sa aking Youtube Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER at Facebook profile na Mer Layson at Facebook page na Ang Magsasakang Reporter, TV host Vlogger, Tiktok na Magsasakang Reporter para sa iba pang kaalaman at impormasyon sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan.

Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Media Group.

Nitong nakalipas na July 28, 2024 ay ginawaran ang Magsasakang Reporter bilang Asia’s Versatile and Promising Columnist on Agriculture of the year ng 9th Asia Pacific Luminares Award sa Heritage Hotel, Pasay City.

Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag po tawag, sa 09178675197.

STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.

NLEX

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with