PAGKATAPOS ng pull-out ng 75 Philippine National Police (PNP) security detail ni Vice President Sara Duterte, ano naman ngayo ang kasunod?
Ano ang mga susunod na mangyayari?
Napakalaking dagok ang pagkawala ng 75 security details mula sa PNP. Para na ring napilayan ang komposisyon ng Vice Presidential Security Group (VPSG).
Kaya ang naiiwan na lamang ay ang mga detail na galing sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na ang iba ay galing pa sa Presidential Security Group (PSG).
Kung ilan ang galing sa PNP at galing sa AFP ‘yun ang dapat malaman at nang hindi na maging masyadong payak ang grupo na magbabantay sa seguridad ng Vice President.
Ang tanong ngayon, paano kung magdesisyon naman ang AFP na i-pull-out ang natirang security detail kay Sara?
Ano na ngayon ang mangyayari sa seguridad ng Vice President ng Pilipinas?
Hinihintay na ngayon kung ano ang mga susunod na hakbang ng AFP.