^

PSN Opinyon

Nasaan na ang genuine opposition

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Mukhang walang legitimate opposition sa larangang puli­tika sa bansa. Ang tunay na oposisyon ang sandigan ng bawat Pilipinong may iisang adhikain para sa kabutihan ng lahat.

Ang tanging mayroon tayo ay mga timawang tagasa­lungat sa nakaupong administrasyon upang mang-agaw ng kapangyarihan. Ang kailangan ngayon ay totoong fisca­lizer upang siguruhin na ang mga policy na ipinatutupad ng nasa kapangyarihan ay yun lamang walang batid ng per­sonal na interes.

Sa ngayon, kung walang masilip na depekto sa admi­nistrasyon ay mag-iimbento ang mga ito. Katulad ng nag-viral na video ni President Marcos na sumisinghot umano ng cocaine.

Kung papansinin ang retrato, bagama’t may katiting na pagkakahawig, obvious na hindi ito ang Presidente kundi isa lamang kahawig niya na minanipula sa computer para maging mas kamukha. Pero hindi pa rin kuhang-kuha. Not convincing.

Nasabi ko ito dahil nakita ko ang orihinal na larawan. Talagang hindi siya.

Ano ba naman kayong mga alipores ni you know who. Napakalaki ng pondo n’yo para gibain si Marcos, bakit hindi kayo makapagpagawa ng something convincing and closer to reality?

Pati ba naman ang amo ninyo ay ini-scam ninyo? Aba’y lalong hihilahod ang kredibilidad niyan.

vuukle comment

LEGITIMATE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with