Pagkain para sa utak at memorya

1. Matatabang isda, mani at olive oil.

Ang pagkain ng matatabang isda gaya ng sardinas, tuna, tamban, mackerel at salmon ay maaaring mapanatili ang ating memorya. Ang omega-3 fatty acids ay matatagpuan sa matatabang isda.

2. Berdeng gulay.

Ang broccoli, kangkong, spinach, kamote, strawberry ay mayaman sa Vitamin C at E. Ang mga pagkain na naglalaman ng antioxidant ay makatutulong sa paglaban sa free radicals na maaaring sumira sa ating utak. Natuklasan na ang mga pagkaing mayaman sa Vitamin C at Vitamin E ay posibleng mabawasan ang panganib ng Alzheimer’s disease.

3. Pagkaing mataas sa flavonoids.

Ang tea, mansanas, orange, suha, repolyo, bawang, sibuyas, kamatis, peas at beans ay may flavonoids. Natuklasan sa isang pag-aaral na ang pagkain ng prutas at gulay ay makababawas sa pagkasira ng utak at pagka-ulyanin.

4. Curry powder at turmeric.

Isang pangunahing sangkap ng curry powder ay turmeric na naglalaman ng curcumin. Sa pag-aaral, natuklasan na ang curcumin ay isang mabisang anti-oxidant at anti-inflammatory. May pag-aaral na nagsasabi na posibleng mas gumana ang utak kapag madalas kumain nito.

Tandaan: Bawasan ang mga pagkaing mataas sa saturated fat, trans fat at cholesterol tulad ng taba ng karne, margarine at processed foods.

Ang mga pagkaing mayaman sa asukal ay maa­aring makadagdag sa panganib ng type 2 diabetes, isang kondisyon na maaaring magpalaki ng apat na beses ng panganib sa sakit na Alzheimer’s disease.

Show comments