^

PSN Opinyon

Alfrea's Hydroponics & Garden

ANG MAGSASAKANG REPORTER - Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

King of Olmetie Lettuce...

Ngayong araw na ito ay ibabahagi ko sa inyo ang isa sa magandang garden na aking napuntahan at very inspiring na buhay sa pagtatanim ng halaman ng isang nurse na dating Overseas Filipino Workers (OFW’s) sa United Kingdom (UK).

Ang aking tinutukoy ay ang Alfrea’s Hydroponics & Garden na pag-aari ni Fernando Algozo na tinatawag ngayong “King of Olmetie Lettuce” dahil ang mga tanim nito ay tumitimbang ng 600-grams to 1-kilogram bawat isa.

Ayon kay Fernando, TLC o Tender, Love and Care ang kanyang ginagawa sa mga tanim kaya naman bumubulas at lumalaki ng maganda ang mga lettuce.

Noong una ay marami ang hindi naniniwala na umaabot ng 600-grams hanggang 1-kilo ang bawat isang tanim ng lettuce ni Fernando pero noong mabisita ang kanyang garden at personal na nakita ang mga tanim ay namangha sila kaya tinatawag siya ngayong “Hari ng Olmetie Lettuce.”

Si Fernando at misis niyang si Jessica Algozo ay kapwa nurse sa isang malaki at re-spetadong hospital sa UK.

Umabot ng 22-yrs si Fernando bilang nursing hospital staff habang si Jessica ay res-piratory nurse.

Kuwento niya, second life na ang kanyang tinatamasa ngayon dahil isang oras na siya namatay makaraang atakehin ng sakit sa puso.

Kaya nag-for good na siya sa bansa at habang walang ginagawa ay naisipang magtanim.

Noong una ay para lamang siya ay malibang habang nagtatanim pero iba ang plano sa kanya ng Panginoon dahil ngayon ay ginagamit siya para magkaroon ng food security, stability at sustainability sa ating bansa sa pamamagitan ng pag-produce ng pagkain sa pamamagitan ng pagtatanim.

Dating varsity player sa basketball si Fernando noong siya ay nag-aaral sa kolehiyo kaya mayroon siyang basketball court sa harap ng kanilang tahanan.

Naisipan ni Fernando na i-convert o gawin garden ang dati niyang basketball court.

Moderno, semi authomatic at NFT method of farming ang set up ng garden ni Fernando na naglalaman ng 15,000 na tanim na iba’t ibang variety ng lettuce.

Ang ginagawa ngayon ni Fernando ay weekly planting na umaabot sa 2,200 seeds para tuloy-tuloy ang pag-ani o sustainability.

Nakipag-tie up na ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno kay Fernando at ginagawa na ring educational site ang kanyang garden kaya maraming estudyante at plant enthusiast ang bumibisita sa Alfrea’s.

“As an engineer and nurse nagko-construct na rin kami ngayon ng greenhouse sa mga gusto kaming gayahin,” ani Fernando

Ang mga ani sa Alfrea’s at mga kostumer nila ay market outlets, samgyup restaurant, hotels, parties and reception organizer, local Korean stores, local market selling veggies at walk-in buyers.

Sa mga gustong bumili ng mga produkto ni Alfredo at nais matuto at bumisita sa Alfrea’s Hydroponics Garden ay i-text lamang ninyo siya sa 09286969145.

Sabahin lamang po ninyo na nabasa ninyo sa kolum ng Magsasakang Reporter dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ang kanyang magandang journey sa pagtatanim.

Sa Linggo July 14, 2024 ay mapapanood ninyo ang interview kay Fernando at tour sa kanyang farm sa Masaganang Buhay TV Show ng Magsasakang Reporter.

Samantala, para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan ay maaari po kayong manood at makinig ng aking TV program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hanggang alas-8:00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapanood din sa RPTV, Facebook at Youtube.

Maaari rin kayong manood at mag-subscribe at mag-follow sa aking Youtube Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER at Facebook profile na Mer Layson at Facebook page na Ang Magsasakang Reporter, TV host Vlogger, Tiktok na Magsasakang Reporter para sa iba pang kaalaman at impormasyon sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan.

Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Media Group.

Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag po tawag, sa 09178675197. STAY SAFE, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.

UK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with