Malabon Mayor Sandoval, pinagpapaliwanag ng COA sa missing P392-M!

Pinagpapaliwanag ng Commission on Audit si Malabon City Mayor Jeanie Sandoval tungkol sa discrepancy ng siyudad na P392 milyon sa COA audit noong taong 2023. Sa isinagawang Annual Audit Report para sa taong 2023, binigyan-pansin ng COA ang ‘di kapani-paniwalang Cash in Bank (CIB) figure na isinumite ng siyudad sa estate audit.

“Ang accuracy, existence, at validity ng year-end balance ng Cash in Bank account na umabot sa P2.183 bilyon ay hindi kapani-paniwala,” ayon sa sulat ng COA kay Sandoval. Inamin ng COA na maaring ang discrepancy ay bunga sa hindi pagkakasundo ng mga datos na isinumite ng siyudad.

Pinayuhan ng COA si Sandoval na turuan ang City Treasurer Department (CTD) sa wastong pag dokumento at pag-adjust ng kanilang mga libro. Election season na ba? Hehehe! Maagang magtrabaho nito ang kosa kong si Marde Inde­lible Infante, di ba kosang Errol Borromeo Sir? Sal-it!

Ang cash book mga kosa, ay isang financial journal na naglalaman ng lahat ng cash receipts at disbursements ng siyudad at kasama na dito ang bank deposits at withdrawals. Nadagdagan pa ng P24,877-M na natukoy ang COA nang itanong sa bangko ang CIB ng Malabon. Ano ba ‘yan?

Ipinaliwanag ng COA na ang mga discrepancy ay dulot ng “absence of reconciliation” sa pagitan ng subsidiary ledger (SL) at cash book. Mayroon ding “significant delay” sa pag­hahanda at pagsusumite ng Bank Reconciliation Statements (BRS), ang sabi ng COA.

At ito ay “kontra sa Section 74, Chapter 3 ng Presidential Decree No. 1445, Section 181.c ng Government Accounting­ and Auditing Manual (GAAM), Volume 1 at COA Circular No. 96.011,” dagdag pa ng COA. Madali lang naman sigurong ipaliwanag ito ni Sandoval. Ano sa tingin mo kosang Marde? Mismooooo! Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Maaring may lapses ang Malabon sa pagsumite ng kani­lang mga papeles at dokumento. Kaya para malusutan ang report, pinayuhan ng COA si Sandoval na i-require ang CAD na wastong documentation at adjustment sa mga libro, lalo na ang pagkansela ng tatlong bank accounts na idineklara ng Philippine National Bank na sarado.

Inutos din ng state auditor kay Sandoval na i-require ang CAD na regular na maghanda at magsumite ng BRS sa COA sa itinakdang panahon alinsunod sa COA Circular No. 96-011 na petsa October 2, 1996. Dipugaaa!

Maliban dito, sinabihan din ng COA si Sandoval na i-require ang City Treasury Department na irekord sa cash book ang dalawang bank accounts na kinakaltasan ng Land Bank of the Philippines na may kabuuang book balance na P1,087,657.71 at kilalanin sa cash book ang time deposit na nasa LBP na nagkakahalaga ng P1,547,515.39. Mismooo!

Hiniling din ng COA na ang “CAD at CTD ay magsagawa ng regular na reconciliation ng kanilang mga talaan alinsunod sa Section 74, Chapter 3 ng PD No. 1445 at Section 181.c ng GAAM, Volume 1 upang matiyak ang katumpakan, pag-iral, at bisa ng iniulat na balance ng CIB accounts.” Abangan!

Show comments