Tila parang “not so intelligent intelligence” ang ginawa ng Philippine National Police (PNP) noong Lunes dito sa Davao City.
Ito ay may kaugnayan sa pagtangkang pagdakip sa pamamagitan ng isang arrest warrant kay Pastor Apollo Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ the Name Above Every Name congregation.
Parang “nangingisda” ang ating mga pulis na sabay na sumalakay sa mga properties ni Quiboloy.
Ang pangyayari ang naging dahilan iyon ng gulo laban sa daan-daang miyembro ng kongregasyon.
Denepensahan ng mga miyembro ang mga nasabing properties ng simbahan gaya ng kanilang main headquarters sa Bgy. Buhangin dito sa Davao City.
Tinutukoy ang lapses sa pag-carry out ng nasabing order na arestuhin si Quiboloy. Tinanggal sa kanilang mga puwesto ang police regional director at 12 pang ibang police officers dito sa Davao City at tinapon sila sa Calabarzon.
Kaya nga ang tanong, kailangan ba talagang mangingisda ang mga kapulisan sa pagtukoy kung nasaan talaga si Quiboloy?
Kung alam talaga nila ang kinaroroonan ng pastor, hindi na kailangang bulabugin ang lahat-lahat.
Tila kailangan talagang ayusin ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang “intelligence” at nang tukoy nila kung nasaan talaga naroon si Quiboloy at agad arestuhin.
Para sa ganun, hindi naman pumalpak ang PNP sa paghahanap sa Appointed Son of God.