BUMALIK na naman ang operasyon ng video karera (VK) machines na ang mga parukyano ay mga kabataan. Ang VK ay nakadesenyo ang mga makina para umakit ng mga kabataan na malulong sa droga.
Ilang beses nang ipinakita sa taumbayan ang pagwasak sa VK machines pero bakit hindi pa rin maubos. Ngayon ay laganap na naman. Ano nga ba ang kampanya rito ng PNP?
Nalaman ko, talamak na naman ang operasyon ng VK sa mga siyudad ng Las Piñas City, Parañaque at Pasay. Ang mga salot na mga makina ay pinakalat nina Alan P at JP sa mga naturang siyudad. Malakas ang timbre ng dalawa sa mga chief of police at maging sa National Capital Region Police Office (NCRPO).
Malaking hamon ito para sa liderato ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rommel Marbil at NCRPO chief Maj. Gen. Jose Nartatez na nagdeklara ng “no take policy” sa illegal gambling operators.
Subalit sa tingin ko, papogi points lamang ito upang magpabango sila kay President Marcos. Hindi maganda ito. Malaki ang epekto ng pagkalat ng VK sa komunidad dahil lalaganap ang kriminalidad. Kapag nagumon sa sugal at droga ang kabataan sira na ang kanilang buhay.
Arestuhin mo sina Alan P at JP, General Marbil.
Abangan!