Ang ihi ay mula sa dugo na nasala sa kidneys. Bumababa ang ihi sa ureter at pupunta sa pantog. Ang ihi ay binubuo ng tubig, dumi tulad ng urea, asin tulad ng urates, ammonia, sobrang bitamina (B at C), mineral, protina (creatinine), taba, carbohydrates at gamot na tinatanggal sa katawan.
Gusto natin na magandang kalidad ng ihi kasi ibig sabihin ay natanggal maigi sa katawan ang mga dumi.
Ang normal na dalas ng pag-ihi ay 7 beses sa loob ng 24 oras. Pero ang 4 to 10 ay ayos na rin. ang normal na rami o urine output kapag sinukat ay 800 ml hanggang 2000 ml per 24 oras. Uminom ng mga 2 litro o 8-10 baso ng tubig kada araw.
Kulay dilaw ang kulay ng ihi dahil galing ito sa pigment ng dugo.
Kapag kulay pula o may dugo sa ihi, posibleng may sakit na cystitis o impeksiyon sa pantog mula sa bacteria. May kasamang lagnat, masakit na puson, madalas umihi, at masakit paglabas ng ihi.
Ang kulay ng ihi ay depende sa tubig sa katawan. Kapag may puti ay posible na may nana o white cells o protina o taba. ‘Pag kulay pink, pula o brown ay may dugo.
Kapag naging red o brown, maaring sobrang bilirubin mula sa atay, o umiinom ng gamot na rifampicin.
Kung kulay orange ay dehydrated, may sakit sa atay, o uminom ng gamot na primaquine, riboflavin, vitamin B2, o INH.
Nagiging blue o green ang kulay ng ihi dahil sa gamot, dye sa pagkain o food color, o sakit na familial benign hypercalcemia.
Meron din gassy urine o may kasamang utot (pneumaturia) kapag nagkaroon ng koneksyon sa bituka at pantog tulad ng fistula, o koneksyon sa pantog at puwerta mula sa panganganak.
May pagkakataon na may kakaibang amoy ang ihi tulad ng amoy ammonia kapag may diabetes o kumain ng bawang, spinach, mushroom, kabute, truffle, at vitamin B6.
Mahalagang paalala na kapag mabula ang ihi ay magpa-urinalysis at blood test ng creatinine para masigurado na walang protina sa ihi. Kapag may protina sa ihi ay posibleng may sakit sa kidneys. Kumunsulta sa doktor.