Pilipinas lagapakna bansa ba? (2)

APAT ang kategorya sa pagsukat ng “fragile states” (dating “failed”):

(1) Pagkakaisa - mayroon ba o walang coup de etat, rebelyon, terorismo, bombahan; paghahati-hati sa lahi, uri, tribo, relihiyon; hidwaan sa politika;

(2) Ekonomiya - karalitaan, kawalan-trabaho, kamahalan­ ng bilihin, utang pambansa, kahinaan ng negosyo; oportu­nidad sa edukasyon at hanap-buhay; pagtrabaho abroad;

(3) Pulitika - lehitimong gobyerno, pakiki-ugnay sa madla­, pananagutan ng pamunuan, korapsyon, pag-ipit sa oposis­yon; serbisyo publiko tulad ng tubig, kalusugan, edukasyon, transportasyon, kuryente, telecoms; kapayapaan, batas;

(4) Panlipunan - pagkain para sa nakararami, malinis na inumin, ligtas sa sakit; bakwit dahil sa giyera o sakuna; seguridad ng bansa kontra manlulupig o nagpapa-utang.

Lutas na ang moro cessation; meron nang Bangsamoro Autonomous Region. Nalipol na ang mga komunistang re­belde­, anang Armed Forces. Pero may teroristang Islamists pa rin.

Malala ang karalitaan: 50% ay nagsasabing mahirap sila; 30%, na malapit na maghirap. Mahal ang bilihin. Lumolobo ang utang pambansa.

Naghahari ang political dynasties: 75% ng representantes, 85% ng mga gobernador, 67% ng mayors. Sila-sila na lang.

Malaki ang agwat sa kita, edukasyon, at oportunidad ng mayayaman at mahihirap. Maraming walang hanapbuhay.

Walang Oposisyon na nagsasaad ng kabilang panig. Tahimik ang mga pinunong Simbahan. Nakabusal ang mainstream media. Ku’ng sumabog na parang bulkan, lagapak na bansa ang Pilipinas.

***

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

Show comments