^

PSN Opinyon

Nepotismo pinaparusahan, dynasties pinapalusot

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

PINASIBAK ng Ombudsman ang isang opisyal ng Commission on Higher Education dahil sa nepotismo – pag-pwesto sa gobyerno ng kaanak. Hindi inulat ku’ng ilan ang ipinuwesto ni CHEd commissioner Jo Mark Libre. Pero lahat daw sila ay direktang nasa opisina niya.

Labag ang nepotismo sa 1987 Revised Administrative Code (E.O. 292). Labag din sa civil service law.

Marami pang ibang rason kaya tinanggal si Libre. Nag­kasala raw ito ng grave misconduct, serious dishonesty, fabrication of official documents, at conduct prejudicial to the best interest of service. Hinabla si Libre sa Ombudsman noong 2019.

Hindi nagtapos don. Nu’ng tinatalakay ang CHEd budget para 2024, sinabihan ng mga senador ang ahensya tungkol sa angal ng state universities and colleges laban kay Libre. Ipinipilit daw niya isali ku’ng sinu-sino sa mga pulong ng SUC governing boards. Pinababayaran ang mga ito ng hono­rarya, pati hotel at travel accommodations.

Maitanong ko lang: Malaki ba ang kaibahan ng nepotismo at political dynasties? Hindi ba’t malala ang dynasts?

Utos ng 1987 Konstitusyon sa mga senador at kongresista na isabatas ang pagbawal sa dynasties. Tatlumpu’t pitong taon mula noon, hindi pa rin sila tumutupad.

Naglipana ang dynasties: 75% ng mambabatas, 85% ng gobernador, 66.7% ng mayors. Ayon ‘yan sa pag-aaral ni Ateneo de Manila School of Government Dean Ronald Mendoza, PhD.

Mas malala mangurakot ang dynasties. Tigbilyon-bilyong pisong pork barrels sa kongreso at kickbacks sa mga pro­yekto. Sa kaban ng bayan pinatutustos ang biyahe abroad ng buong pamilya at staff nila. Five-star hotels, first-class flights, mamahaling pagkain.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

EDUCATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with