Political dynasties at karalitaan — kambal na cancer ng lipunan

Tungkulin ng demokratikong gobyerno itaguyod ang interes ng mamamayan, hindi ng namumuno, ani Thomas Jefferson.

Hindi ‘yan nangyayari sa Pilipinas dahil dominado ng dynasties ang politika. Sa halip, mula dekada 1960s, karali­taan ang dulot ng dynasts sa madla, ani dating SSS pre­sident at bangkerong Rene Valencia.

Pinagtambal ni Valencia ang mga estadistika:

l 75% ng kongresista, 85% ng gobernador, at 66.67% ng mayors ay dynasts; kontrolado nila ang mga partido; at mas malamang manalo sila, ayon sa pag-aaral ni Ateneo de Manila School of Government Dean Ronald Mendoza, PhD (Political Dynasties in the Philippine Congress);

l Dulot ng dynasties ang mahinang kompetisyon sa politika, kawalan ng pananagutan, konsentrasyon ng kapangyarihan, at tradisyunal na politika, dagdag ni Mendoza (Political Dynasties and Poverty: Resolving the Chicken and the Egg Question).

Bagama’t marahang umunlad ang ekonomiya, ani Valencia, nanatiling mas mataas ang karalitaan sa Pilipinas kumpara sa kapitbansa – 41% nu’ng dekada 1980s tungo sa 22.4% nu’ng unang semester 2023.

Sa Social Weather Station surveys, tinuturing ng 50% ng populasyon na maralita sila; 30% ang nagsasabing malapit na silang maging dukha.

Nu’ng 1981, 838 milyon o 84% ang maralita sa China. Napababa ito sa 84 milyon o 6% nu’ng 2011.

Hindi isinasabatas ng Kongreso ang probisyon ng Kons­titusyon kontra dynasts. Panahon nang papanagutin­ ang mga mambabatas, ani Valencia. Pero pasimpleng paha­­ha­bain ng dynasts ang mga termino nila gamit ang Charter Change.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

Show comments