^

PSN Opinyon

Anong ginagawa nila rito?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

ANO naman ang ginagawa ng dalawang Chinese vessels sa Philippine Rise? Ang Philippine Rise (dating Benham Rise) ay nasa karagatan sa silangan ng bansa. Ang mga mangingisda ng Aurora, Isabela at Catanduanes ang nakikinabang sa lugar na ito. Saklaw ito ng exclusive economic zone ng Pilipinas. Kaya ano ang ginagawa ng dalawang barko ng China na pakalat-kalat dito?

Nagsimula ang pagre-research ng mga barko ng China sa Philippine Rise noong 2016 sa term ni Pres. Rodrigo Duterte. Pinayagan ni Duterte ang China na magpadala ng mga barko para suriin ang Philippine Rise na mayaman sa mineral at natural gas. Kaya dapat sinasalubong ng mga barko ng Philippine Coast Guard (PCG) ang dalawang barko para alamin kung ano ang pakay ng mga ito.

Wala na si Duterte sa puwesto pero malakas pa rin ang loob ng mga ito na magtungo sa Philippine Rise. Ang nais ni Defense Sec. Gibo Teodoro ay magtayo ng naval outpost sa Divilacan, Isabela para bantayan ang nasabing karagatan. Ayon kay Security analyst Chester Cabalza, presidente at founder ng Manila-based think tank International Development and Security Cooperation, dapat palakasin ang mga outpost ng navy at air force sa lugar na tayo naman ang may-ari.  

Dito na naman makikita ang kakulangan ng kagamitan at tauhan ng PCG. Napakaraming karagatan ang kaila­ngang bantayan, lalo na sa kanlurang bahagi ng bansa. Kung inaakala na hindi naman kailangang bantayan ang silangang bahagi, ito ang sagot. Walang hangganan ang pagre-research ng China sa mga karagatan. Hindi tayo dapat maunahan sa paghango ng mga likas na kayamanang dulot ng Philippine Rise. Panahon na para pag-aralan kung paano ito masisimulan kabalikat ang ­korporasyon na may kakayahang gawin, maliban sa China.

Walang tututol sa Pilipinas kung sisimulan na ang paghango ng mineral at natural gas. Hindi dapat makialam ang anumang bansa, lalo ang China. Kung ako ang tatanungin, hindi dapat maging kabalikat ng bansa ang anumang korporasyon ng China para gawin ito. Maraming bansa ang may kakayahang gawin ito tulad ng Japan, Malaysia, Indonesia, U.S. at iba pa. Hindi maganda ang pakikitungo sa atin ng China sa West Philippine Sea, kaya bakit sila ang makikinabang dito.

VESSELS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with