PNP Maritime Group, kumilos vs cigarette smuggling!

Delikado pala ang cigarette smuggling dahil nakaaapekto­ rin ito sa national security ng Pinas. Sa report na “An overview of the illegal cigarette trade in the Philippines,” ang ruta na ginagamit ng mga smugglers para magpasok ng illegal na sigarilyo sa bansa ay maaring gagamitin din ng drug syndi­cates. Sinabi ng mga kosa ko na dalawang beses kung mag­biyahe ng illegal na sigarilyo ang smuggling syndicates kada linggo at ang mga barko ay galing Indonesia at Malaysia. Pu­wedeng samahan ang kargamento ng droga, di ba mga kosa?

Kaya tama lang ang tinuran ng report na hindi lang national security ang tatamaan kundi magiging mapanganib din ito sa lokal na komunidad. Paano? Kasi kung hindi man droga ang ipuslit ng mga smugglers gamit ang naturang underground supply chain, ay maari ring mga kriminal galing sa ibang bansa o ‘yaong tatakas ng Pinas. Hindi lang ‘yan, ang cigarette smuggling ay magiging ugat din ng malakihang criminal activities tulad ng corruption, bribery, smuggling of drugs at weapons, human trafficking at puwede ring terrorism.

Kaya nasa timing lang ang aksiyon ni Col. Gonzalo Villamor Jr., chief of staff ng Martime Group ng PNP, nang iutos niya ang kampanya laban sa cigarettes smuggling, hindi lang sa southern backdoor, kundi maging sa iba pang parte ng Pinas. Sa kanyang memo sa mga hepe ng Regional Maritime Units at Commanders ng Special Operating Units, ini­utos din ni Villamor na magsumite sila ng report sa lalong madaling panahon. Ang ginawang basehan ni Villamor ay ang ibinulgar ng Dipuga na nawawala sa kaban ng gobyerno ang P60 bilyon na buwis dahil sa cigarette smuggling. Action agad itong Maritime Group ng PNP. Mabuhay!

“It these regards, you are hereby directed to intensify your operations against anti-smuggling, particularly cigarette and invigorate your campaign and efforts to curb these illegal activities,” ayon sa memo ni Villamor. Sana totoo na to. Kung mabilis pa sa alas kuwatro kung umaksiyon ang Maritime Group, nganga naman ang Philippine Coast Guard at Philip­pine Navy. Ano ba ‘yan? Magkano…este paano?

Mukhang hindi maliit na problema sa gobyerno ang ciga­rette smuggling ah. Tiyak may kumikita nang malaki rito. Sino? Si BBM lang ang puwedeng tumuklas kung sino ang nasa likod ng cigarette smuggling na hindi lang pinapatay ang kita ng gobyerno kundi pati mga Pinoy na adik sa sigarilyo. Kailan pa kaya magkakaroon ng honest to goodness na kampanya laban sa cigarette smuggling? Abangan!

Show comments