^

PSN Opinyon

Bardagulan na?!

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

SA sitwasyon sa Pilipinas ngayon, may itinuturing na salot.  May mga matitigas ang ulo na ayaw sumunod sa kongreso.

Itong ilang ibinotong mga congressmen, nabuking na nga, kumakasa pa.

Nabisto na nga ‘yung kanilang maitim na balakin na People’s Initiative kuno, aba’y nag-aalsa pa laban sa Senado matuloy lang ang kanilang kagustuhan.

Ang kakapal ng mukha, sige pa ring ipinaglalaban. Kulang na lang, makipagbardagulan na sa Senado.

Maging ang pinakamataas na pinunong nagsabing tigil na, hindi pa rin sinusunod. Pinagsasamantalahan nila ang kabaitan na ang tingin nila ay kahinaan ng Presidente.

Tila talagang gusto ng kongresong makipagbardagulan. Na para bang ipinakikita nila ang kanilang mga angas dahil sa itinuturo nilang lider. 

Sabi ni Sen. Chiz Escudero, anong meron dito sa mga con­gressman natin at gusto pang makipagbardagulan sa senado at sinusuway ang Presidente?

 Naalala ko tuloy ang sabi ng isang kapwa nila congress­man, maraming mambabatas ang hindi alam at naka­ka­intindi ng batas.

Nagmumukhang mga ignoramous kaya hindi sumusunod sa batas.

Ang nakakatawa rito, ang kanilang trabaho ay gumawa ng batas. Pero ang nagiging sistema ng iba, nagiging tuta’t sunud-sunuran na lamang habang ang ilan ay nakikibaka naman.

Kung noong dekada sitenta maiinit, hayagang kumo­kontra, nakikipaglaban at nakikibaka ang mga mambabatas. Nayon, ibang-iba na, sunud-sunuran na lang, ipag­ta­tanggol kahit mali.

Kaya gustung-gusto ko ang sinabi ng sikat na automobile executive na si Lee Iococca. Sabi niya:  Lead, follow or get out of the way.

vuukle comment

KONGRESO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with