^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Paulit-ulit ang trahedya ng landslides

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL — Paulit-ulit ang trahedya ng landslides

LABINLIMA na ang naiulat na namatay sa landslides na naganap sa Monkayo, Davao de Oro noong nakaraang Huwebes. Ayon sa Office of Civil Defense (OCD) patuloy pang inaalam ang tunay na figures ng mga casualties. Unang nareport na pito ang namatay nang matabunan ng lupa nang magkaroon ng landslides sa Mt. Diwata. Kabilang sa mga namatay ang anim na bata na dumadalo sa prayer meeting. 

Ang matinding pag-ulan sa lugar ang dahilan kaya nagkaroon ng pagguho ng lupa sa Mt. Diwata. Ilang araw nang umuulan dahil sa shear line at apektado ang buong Davao Region. Ang mga bundok sa nasa­bing lugar na tinatawag na Diwalwal ay pinagkukunan ng ginto kaya maraming gold panners na nag-o-ope­rate. Binansagang “gold mountain” ang lugar maka­raang madiskubre ang ginto noong 1983. Mula noon, maraming pagguho o landslides ang naganap sa Diwalwal.

Sa kabila na marami nang trahedya nang pagguho ang nangyari sa nasabing lugar, patuloy pa rin ang pa­ni­nirahan ng mga tao sa gilid ng mga bundok. Pina­pa­ya­gan pa rin ng mga lokal na opisyal sa kabila na deli­kado kapag gumuho ang bundok lalo sa panahon ng tag-ulan na malambot ang lupa. Paulit-ulit ang trahedya pero walang leksiyon na natututuhan ang mamamayan at ang mga lokal na opisyal.

Noong Abril 11, 2022, nagkaroon din ng landslides sa isang village sa Baybay, Leyte na ikinamatay nang maraming residente. Nanalasa ang Bagyong Agaton na naging dahilan sa paglambot ng lupa at nagkaroon ng landslides. Inilibing ang mga residente ng Bgy. Bunga. Ayon sa report, bukod sa putik, malalaking bato ang nanggaling sa bundok.

Sino ang makalilimot sa nangyaring trahedya sa Bgy. Guinsaugon, St. Bernard, Southern Leyte noong Pebrero 2006 na ikinamatay ng 1,500 katao? Gumuho rin ang bundok sa Guinsaugon at inilibing ang mga residenteng nasa paanan ng bundok. Ang walang tigil na pag-ulan ang sinasabing dahilan ng pagguho ng bundok sa Guinsaugon.

Mauulit pa ang nangyari sa Monkayo, Davao de Oro hangga’t walang batas na nagbabawal sa mga lugar na posibleng gumuho ang lupa sa panahon ng bagyo. Noon ay may panukalang ipagbawal ang pagtira sa mga pampang ng ilog, sapa at mga estero pero pawang panukala ang lahat. Kapag may nangyari nang trahedya saka magpapakitang gilas ang mga mambabatas para lumikha kuno ng batas. Pagkaraan ng trahedya, wala nang maalala ang mga mambabatas. Maaalala lamang kapag may nangyari na namang malagim na trahedya.

Silipin din naman ang illegal logging, illegal mining o quarrying na sanhi ng pagguho ng lupa. Malaki ang koneksiyon ng mga nabanggit sa pagguho o pagkawasak ng mga bundok.

CIVIL

DAVAO

DEFENSE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with