^

PSN Opinyon

Dalawang petisyon kontra Smartmatic

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Ibawal ang Smartmatic sa mga susunod na halalan. ‘Yan ang hiling ng dalawang petisyong nakasalang sa Comelec.

Nilikom ng unang petisyon ang ebidensya ng katiwalian ng Smartmatic vote counting machines nu’ng Halalan 2022. Binisto ng TNT (Truth & Transparency) Trio ang illegal na man-in-the-middle router.

Binaha ng nag-iisang misteryosong router na ‘yon ang Comelec Transparency Server ng resulta sa unang oras pa lang ng bilangan. Mahigit 20-milyon boto agad sa Presidente, VP at senador mula 39,512 VCMs. ‘Yon ay 37% ng 55.5 milyong kabuuang boto, 37% din ng 107,345 VCMs. Sa sindak, napabilib ang Pilipino sa pinakamabilis na bilangan sa kasaysayan ng halalan sa bansa at mundo.

Sina dating information-communications technology secretary Eliseo Rio, ex-Comelec commissioner Gus Lagman, ex-Finance Executives Institute president Franklin Ysaac ang TNT Trio.

Sinuri nila ang “raw files na in-upload ng isang whistleblower” sa Comelec website. Nabatid nila na ang sikretong router ay may pribadong IP (internet protocol) address 192.168.0.2. Ang paggamit na ito ay lihis sa 2008 Automated Election System Law, anila.

Ang ikalawang petisyon, hindi teknikal, ay mula kay Leonardo Odoño ng Philippine Military Academy Class 1964. Dalawang batayan ang sinaad ng retiradong kolonel para i-blacklist ang Smartmatic:

• Si ex-Comelec chairman Andres Bautista, nasa U.S. para humingi ng political asylum, ay hinabla ng justice department sa Washington D.C. Tumanggap umano siya ng $4-milyon (P200-milyon) suhol mula apat na Smartmatic execs sa America na isasakdal ng money laundering.

• Mismong President Bongbong Marcos Jr. ang nag-akusa nu’n pang 2016 na ang Smartmatic ay “nagbebenta ng dayaan system, hindi election system”. Kakatalo niya noon bilang kandidatong VP. Election lawyer niya noon si George Garcia, ngayo’y Comelec chairman.

COMELEC

VCM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with