^

PSN Opinyon

Makati punumpuno ng mga bagong proyekto sa 2024

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

Para sa mga hindi updated sa aking State of the City Address (SOCA) noong Enero 10, maraming programa at de­velopments ang naghihintay para sa Proud Makatizens nga­yong taon.

Bukod sa pag-alis ng amusement tax sa lungsod para pasiglahin ang larangan ng sining at turismo, pinag-aaralan naman natin ang posibleng pagbaba ng real property tax at iba pang local taxes. Gusto naman nating suklian ang suporta at tulong ng business community sa loob ng mahabang panahon, lalo na noong mayroong pandemya.

Ang masigasig at matapat na pagbabayad ng buwis­ ang nagtawid sa ating lungsod at nagbigay-daan para ma­bigyan natin ng maraming tulong at suporta ang mga pinaka-nangangailangan sa ating komunidad.

Ngayong matibay na muli ang ating tinatayuan, tayo naman ang magbibigay sa kanila ng pakunsuwelo. Ma­laking bahagi ng developments na ito ang P7.9 bilyon na magiging savings ng lungsod taun-taon mula sa pagka­katanggal ng subsidiya para sa mga Embo barangay.

Dahil din sa masigasig na pagsusulong ng sustainable­ development at mga makabagong pamamaraan ng pag­lilingkod sa bayan, lumagpas ng 31.74 percent sa target ang nalikom na pondo ng lungsod mula sa business tax para sa taon 2023.

Focused pa rin tayo sa social services at health care ngayong taon. Antabayanan po sana ninyo ‘pag fully-ope­rational na ang bago at state-of-the-art nating ospital na ang Makati Life Medical Center. Kung marami ang bilib na bilib na sa ganda ng ating serbisyong medikal dito sa Makati, itataas pa natin ang antas at standards sa pagbu­bukas ng Makati Life.

Bubuksan na rin natin ang Makati Columbarium para assured po ang bawat namayapang Makatizen ng disente at mapayapang himlayan. Opo, ang gusto talaga namin ay maalalayan ang ating mga residente sa bawat yugto ng buhay. Ano man ang kanilang pangangailangan at hinaing, handa po kaming maglingkod. No ifs and no buts, basta kaya, ibibigay.

Para pangalagaan ang seguridad ng komunidad, magbubukas din ng makabagong fire and police station. Tuloy na tuloy na rin ang roll out ng electric vehicles ngayong taon bilang pagtupad sa commitment ng lungsod sa renewable at mas sustainable na modes of transportation.

Anumang ganda ng ating mga programa at plano para sa sarili nating lungsod, hindi po nakakalimutang lumingon ng Makati sa ibang komunidad na nangangailangan din ng tulong. Huwag na po tayong lumayo.

Unahin na natin ang mga Proud Makatizen na ngayon ay nasa teritoryo na ng Taguig. Mananatiling bukas ang ating mga health center at Ospital ng Makati outpatient consultation para sa kanila.

Umaasa kaming mapupunan ng Taguig ang kanilang mga medikal na pangangailangan sa mga darating na buwan. Pero pansamantala, habang nag ta-transisyon pa ay minabuti nating mag-abot ng tulong mula sa ating puso.

Hindi lang ito ang iniisip nating programa para sa kanila, pero sa ngayon ay ito lang muna ang pwede nating ibahagi.

Samantala, magbibigay din tayo ng halos P21.5 milyong ayuda para sa 36 na munisipalidad sa Mindanao na sinalanta ng malalakas na lindol at matinding pagbaha noong 2023.

Inaprubahan ng Sangguniang Panlungsod ng Makati ang paglalaan ng mula P250,000 hanggang sa P1 milyon para sa bawat LGU, depende sa tindi ng pinsalang natamo.

Lima lamang sa 36 na LGU ang sister-cities ng Makati. Wala po tayong kinikilingan o itinatangi  sa pagbibigay ng tulong sa mga kapwa LGU na nangangailangan. Laging handa ang Makati na magbahagi ng anumang tulong sa abot ng makakaya upang makatulong sa pagbangon ng mga kapwa Pilipino.

SOCA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with