^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kakulangan ng computers problema ng mga estudyante

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Kakulangan ng computers problema ng mga estudyante

Mahina sa Math, Science at Reading Comprehen­sion­ ang mga Pilipinong estudyante na may edad 15, batay sa pag-aaral ng PISA na lumabas noong nakaraang Disyembre 5. Maraming lumabas na kada­hila­nan kaya kulelat ang mga estudyante sa mga nasabing subjects.

Sa lumabas namang report ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO), sinasabi na magiging kulelat din sa infor­mation and communications technology ang mga estudyante kung hindi masosolusyunan ang kakulangan ng mga compu­ters sa pampublikong eskuwelahan. Ayon sa UNESCO, ang Pilipinas ay kabilang sa mga bansa na ang mga estudyante ay wala o kulang ang ginagamit na computers para makasabay sa information technology.

Sa 2023 Global Education Monitoring (GEM) Report ng UNESCO, sinasabi na ang Pilipinas ay isa sa mga bansang may positive “administrator attitudes” dahil sa pag-adopt sa makabagong technology sa basic education curriculum at school management. Ganunman, sa kabila na may positibong attitude, hindi makaabante sa kaalaman ang mga estudyante dahil sa kakulangan ng computers na ginagamit. Karami­han sa mga estudyante na salat sa computers ay mga nasa rural areas. Bukod sa kakulangan ng computers at iba pang gadgets, hindi rin maka-access sa internet ang mga estudyante. Ayon sa report, 1 sa dalawang estudyante sa Pilipinas ay walang access sa internet.

Kahanay ng Pilipinas sa kakulangan ng computers­ ng mga estudyante ang Cambodia. Lao People’s Democratic Republic, Myanmar at Indonesia. Nabatid naman ng UNESCO na ang mga estudyanteng naka-enroll sa mga pribadong eskuwelahan ay mataas ang digital skills kaysa sa mga naka-enrol sa pampublikong eskuwelahan.

Gustong matuto ng mga estudyante sa larangan ng information and communications technology at ang mga guro naman ay may malawak na kaalaman sa larangan. Ang problema ay ang mga gagamiting com­puters. Sob­rang salat ang mga mag-aaral sa kaga­mitan lalo ang nasa publikong eskuwelahan.

Kung magkaroon man ng computers ang mga guro na gagamitin para sa kanilang pagtuturo, nalalambu­ngan naman ng corruption. Isang halimbawa ay ang mga biniling overpriced laptops para sa public school teachers­ noong 2021 ng PS-DBM. Nagkakahalaga ng P2.4 bilyon ang mga laptops na na-procure. Bawat isa ay nagkakahalaga ng P58,300. Subalit nabuking na P35,046.50 lamang ang bawat isa. Ang masaklap, outdated na ang laptops kaya hindi nagamit ng teachers sa online classes noong 2021. Kinasuhan ang mga sangkot.

Solusyunan ng DepEd ang kakulangan ng computers para sa mga estudyante. Kawawa naman sila kung ma­ngungulelat din sa larangang ito.

vuukle comment

UNESCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with