^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Hindi handa sa pagtama ng lindol

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL — Hindi handa sa pagtama ng lindol

PITO na ang naitalang namatay sa magnitude 6.8 na yumanig sa maraming lugar sa Mindanao noong Biyernes ng hapon. Grabeng tinamaan ang General Santos City at Sarangani sa Davao Occidental. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang sentro ng lindol sa kanluran ng Sarangani na may lalim na 10 kilometro at tectonic in origin.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Ma­nagement Council (NDRRMC), kabilang sa mga namatay ang mag-asawa at isang empleyado ng salon sa General Santos City. Nabagsakan ng pader ang mga biktima. Apat na iba pa ang unang naitalang namatay sa Region XII na nabagsakan din ng mga bumagsak na kisame.

Naganap ang lindol dakong 4:10 ng hapon. Nakita sa CCTV ang pagkakagulo ng mga tao sa isang mall na nagtatakbuhan palabas. Mayroon ding mga nag-panic na hindi malaman ang gagawin. May mga nagsisigawan at nag-uunahan din na makalabas sa isang establisimento. Hindi malaman ng karamihan kung saan magkokober para makaiwas sa bumabagsak na bagay mula sa kisame. Hindi na nila naalala ang paalalang duct cover and hold kapag lumilindol. Sa halip na ganito ang gawin, nagtatakbuhan sila na mas delikado sapagkat maaring mabagsakan ng mga nabasag na salamin, kahoy, bato o hollowblock. Sa mga nakaraang insidente ng lindol, mas marami ang namamatay dahil sa pagpa-panic kaysa napinsala ng lindol.

Ang lindol ay kakambal na ng Pilipinas sapagkat napapaligiran ng “ring of fire” at mga aktibong bulkan. Walang pinipili ang lindol kaya nararapat na paghandaan ng mamamayan. Hindi katulad ng bagyo, biglang dumarating ang lindol na walang babala. Anumang oras, araw o gabi, posibleng tumama ang lindol.

Matagal nang sinabi ng Phivolcs na kapag lumindol sa Metro Manila na may lakas na 7.2 magnitude posibleng mamatay ang 34,000 katao at 114,000 ang malubhang masusugatan. Ayon sa Phivolcs, ang West Valley Fault ay may kakayahang mag-generate ng lindol na may lakas na 7.2 magnitude at ito ang “Big One”. Pinag-aralan na umano ito noon pang 2004. Ang pag-aaral sa “Big One” ay nakasaad sa Earthquake Impact Reduction Study for Metro Manila na pinondohan ng Japan International Cooperation Agency (JICA).

Malaki ang posibilidad na tumama ang “Big One” sa Metro Manila. Ang tanong ay kung handa ba ang mga taga-MM sa pagtama ng “Big One”? May nakahanda na bang plano ang pamahalaan? Saan mag-e-evacuate ang mga tao kapag yumanig? Mayroon bang magga-guide sa mga tao kung saan pupunta o magdaraan in case tumama ang lindol? Waley!

Hindi handa ang mga tao at lalo ang pamahalaan sa pagtama ng lindol. Kailan maghahanda? Kapag yumayanig na?

PHIVOLCS

VOLCANOLOGY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with