^

PSN Opinyon

Smartmatic pumuslit sa Pilipinas mula 2008

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

DIRECT recording electronic (DRE) voting o touchscreen ang orihinal na produkto ng Smartmatic. Ginamit ito ng kumpan­yang Venezuelan sa Maguindanao nu’ng Halalan­ 2008 sa Autonomous Region in Muslim Mindanao. Pinipindot lang sa computer screen ang pangalan ng kandidato para iboto.

Ginamit ng kakompetensya niya sa Lanao-Sulu-Ba­silan-Tawi-Tawi ang precinct count optical scanner (PCOS). Minamarkahan ang bilog sa gilid ng pangalan ng kandi­dato sa balota. Binibilang ng PCOS lahat ng marka bilang boto.

Siniraan ng Smartmatic ang PCOS. Madali ito dayain at mali-mali ang bilang ng boto, anang Venezuelan exe­cutives. Magkakagulo ang lipunan sa gan’ung sistema, babala nila sa company website.

Nu’ng sumunod na taon, 2009, nagpa-bidding ang Co­melec ng pambansang automated election system. Nagulat ang lahat nang iprinesenta ng Smartmatic ang mismong PCOS na sinisiraan nila. Tahimik na sila sa dati ni­lang giit na madaya at palpak ang PCOS.

Walang karanasan ang Smartmatic noon sa pambansang halalan maliban sa sariling Venezuela. Dapat dun pa lang ay disqualified na sila, batay sa bidding terms of reference. Tapos, nung product demonstration, umusok at nasunog ang baterya ng PCOS machine ng Smartmatic. Muli, du’n pa lang, dapat disqualified din sila.

Pero pinapanalo ni noo’y Comelec chairman Jose Melo ang Smartmatic. Diniskwalipika niya ang mga batikang kum­panyang Amerikano na Election Systems & Software at Se­quioa, pati mga ekspertong election suppliers sa Europe.

Sa pagkadismaya, nagbitiw si Atty. Melchor Magdamo bilang chief of staff ni chairman Melo. Bawat halalan mula nu’n – 2010, 2013, 2016, 2019, 2022 – binabatikos ni Mag­damo ang pagkontrata sa Smartmatic at mga tiwaling bilangan ng boto.

SMART

VOTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with